2000
“Ayan!nakikita ko na ang ulo ng sanggol,ire pa"sigaw ng babaeng nagpapanganak sa isang magandang ginang
“napapagod na po ako" angal ng ginang,halata sa kanyang mukha ang pagkapagod at gusto ng sumulo
“gusto mo bang mamatay ang iyong anak!? Ire malapit na!" Sabi ng babaeng nagpapaanak
,natinag naman sya sa sinabi nito kaya umiri sya sa abot ng kanyang makakayauwaaa uwaaa uwaaa
“kay gandang bata,babae ang anak mo ija" sabi ni babae habang binabalutan ang bata ng tela at agad binigay sa ina nito
“vlixzanya,vlixzanya cladimohr ang kanyang ngalan" sabi nya bago nawalan ng malay
-----------2017
“zanya anak,lumapit ka muna sakin" tawag ni vanica,ang magandang ginang na nagsilang ng sanggol
“ma ano po yon? Di pa ako tapos kontrolin yung air blades,last na yun e" pagmamaktol ng dalaga sa kanyang ina saka pumunta kung saan naroon ang kanyang ina
“may sasabihin akong mahalaga" sabi ni vanica,tila nalulungkot sa ibabalita
“ano po yon?" Tanong ni vlixzanya,nacucurious sya sa sasabihin ni vanica dahil sa reaksyong nakikita nya sa mga mata nito
“kaylangan mong magaral sa meshickatza,ayoko man pero yun ang sabi ni destinea" sabi ni vanica,nagtaka naman ang kanyang anak,si destinea? Tanong nito sa kanyang isip
“dastinea? Ang diyosa ng tadhana?niloloko nyo po ba ko ma? Pano nyo makakausap ang diyosa ng tadhana" natatawang sambit ni vlixzanya,imposible naman kasi talagang makausap ng kanyang ina si destinea dahil kahit ang reyna ng mundo nila ay di pa ito nakikita,tanging ang hari lang daw ngunit isang beses palamang
“wag mo nalang pansinin ang aking sinabi,kaylangan mong makapasok sa mashickatza, may paligsahang sasapit sa lunes para maging magaaral sa unibersidad na iyon kaya bukas ay mag eensayo tayo" sabi ng kanyang ina,lalong nagtaka si vlixzanya,talaga bang dun sya magaaral?
“meshickatza?yung pinaka magandang paaralan sa mundo natin?imposible ata yun ma, saka mabuti naman ang kalagayan ko doon sa paaralan ko" sabi ni vlixzanya sa kanyang ina,marami kasi syang kaibigan sa pinapasukan nya,at isa pa,ang tingin nya sa meshickatza ay isang paaralan na puro salbahe,mayabang at matataray ang mga estudyante roon dahil narin sa antas ng pamumuhay nila na halos puro tza ang magaaral
“kaylangan mong magaral sa meshickatza zanya,mas mahahasa ang mga kapangyarihan mo doon,at isa pa para wala ng magtangka sa buhay mo" paliwanag ng kanyang ina,lalo syang naguluhan dahil hindi pa nga sya sigurado kung makakapasok sya sa paaralang yon
“pano po kayo kung sakaling makapasok nga ako roon? Hindi ko kayo kayang iwan magisa dito" nagaalalang sabi ni vlixzanya,may dorm kasi sa paaralang iyon at isang araw sa isang buwan ka lang pwede lumabas sa unibersidad
“ayos lang ako,aalis din ako pag nakapasok ka na sa academya" sabi ni vanica sa kanyang anak, aalis? Tanong ulit ni zanya sa isip nya
“saan po kayo pupunta? Kaya nyo po ba ako papapasukin sa meshickatza kase iiwan nyo na ko?" Naiiyak na sabi ni vlixzanya,may pagka isip bata ang dalaga kaya natawa ang kanyang ina
“hindi sa ganon anak,gagabayan kita pag nasa loob kana ngunit ako'y mawawala pansamantala dahil may kaylangan pa akong gawin" paliwanag ni vanica
“ano po----" hindi pinatapos ni vanica sa pagsasalita si vlixzanya
“tama na ang tanong zanya, magaaral ka sa meshickatza tapos ang usapan,masasagot lahat ng katanungan mo sa tamang panahon,bumalik ka na sa iyong ginagawa" sabi ng kanyang ina,ani moy siguradong sigurado na makakapasa ang kanyang anak sa paligsahan,nag walk out si mader papunta na sa kusina
BINABASA MO ANG
MESHICKATZA ACADEMY(Real Princess Of Mehickaza)
FantasyWARNING!!!!! This is my first fantasy story so this is not good as you expected but hoping that I can reach your 0.5 level of expectation,full of grammatical and typographical errors so better leave now :-*