CHAPTER 2
Krystal's POV
Gitgit nang gitgit 'tong epal na 'to eh ang laki laki naman ng espasyo.
"Ano ba? Laki laki ng space dikit ka ng dikit! Mainit!".
"May katabi ako, tanga." asik niya.
Oo nga 'no. Sorry naman.
Pero kasi teddy bear lang naman yon bawal bang tanggalin? tss.
Di ko nalang siya kinibo kasi parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa kahihiyan.Sigaw pa self.
"You two, after class,clean the room where trashes are located. I don't want to see any single piece of trash, understand?"
"Yes ma'am."
"Okay."
Sabay na pagsagot namin.Siniko ko siya dahil sa pabalang na sagot niya.
Walang galang ampotek.
"Okay lang ms. Garcia, sanay na ko riyan."
Napakunot ang noo ko. Diba bago lang siya? Panong sanay?
"She's my mom."
The heck?!
Nanlaki ang mga mata ko at tinawanan naman ako ng kumag na 'to.
Kaya pala may pagkahawig.
Naghintay kami hanggang mag uwian para makapaglinis na.
It's already 4 in the afternoon at tumunog na ang bell kaya paniguradong naglalabasan na ang mga estudyante.
Sabay kaming tumayo upang pumunta sa janitor's area at kunin ang mga gagamitin namin sa paglilinis.
Makikita mo ang mga estudyante na nagchichikahan, meron namang nagbabatuhan, meron ding magjojowang naghoholding hands while walking.
Mga PDA! Magbrebreak din kayo mga hangal! Charot!
Itong katabi ko naman nararamdaman ko ang pagtitig sa akin.
May dumi ba ko sa mukha?
"Staring is rude."
"I'm not staring. Ang panget mo kaya."
Kapal talaga.
"Ah, kaya pala yung nasa papel na binato mo sakin may "You're so beautiful" ha?" Nakita ko ang biglang pamumula ng tenga niya kaya di ko na napigilan ang tawa ko.
Kulit ka ah. Sinong panget ngayon.
"Tss. Maglinis ka magisa mo." Ayun pikon. Nagwalk-out ang kumag.
"HOY!" Sigaw ko pero di na siya lumingon.
Patay ka sakin bukas!
**********
Nagmadali ako maglinis kasi nagdidilim na. Nako lagot talaga ko kay kuya nito.
Pagbukas ko ng cellphone ko ay ang pangit agad ng bungad sakin.
31 missed calls...
20 messages...Patakbo akong lumisan sa janitor's room matapos ayusin ang mga ginamit ko.
Di ko nanaman mapigilang maalala yung nangyari kanina.
Yung kumag talaga na yon di porket anak siya, tss!
Ngunit pagkalabas ko sa gate ng school, may isang lalaki na nakasandal sa kotse niya habang sumisipsip ng lollipop ang bumungad sakin.
Hala milkita!! Pero teka parang pamilyar 'tong lalaking 'to.
"Hi Jay."
BAKIT NANDITO 'TO? ARGGGHHH NOOOOO WAAAYYY!!
***********
Sorry short chap lang, babawi nalang po ako sa next hihi.
BINABASA MO ANG
Cease the Pain
Teen FictionSa panahon ngayon, sobrang daming marupok. We are "marupok" pagdating sa mga taong mahalaga sa atin. Ngunit... Pano kung iniwan ka nung akala mong panghabang buhay na? Na sinabi sayo na di ka pa raw enough para sakanya? Tas bumalik siya para bawiin...