START

2.7K 93 2
                                    

The Revenge of Nadine Lustre

START

Crop Top. High-waist pants. Wedge. Curled and Wavy Hair. Wayfarers. 

Isa na namang nakaka-antok na araw para sa akin. I am currently riding a plane pauwing Pinas. Actually, kanina pa nga ako hindi mapakali sa inu-upuan ko eh. 5 hours straight lang akong naka-upo dito at walang ginagawa. 

Nilingon ko yung tao sa tabi kong humihilik habang natutulog. Seriously, Donna? Parang lalaki kung humilik eh. I rolled my eyes.

Dahil sa nabo-bore ako at wala akong maka-usap, tinampal ko sa pisngi si Donna, nagising naman sya dahil doon, “WHAT?”She asked while wiping her drool. Ew, tingnan mo ‘to! Tulo laway kung matulog.

“Don’t sleep. Wala akong maka-usap.”

“Yun lang?! Sinampal mo pa ako tapos sasabihin mo lang na huwag akong matulog? Yung lang ha?”Sumigaw sya dahilan para sitahin kami ng iba naming kasama sa Plane na mga foreign.

“Do not make a scene here, Donnalyn.”

“Oh, bitch please Nadine. Antok na antok pa ako. Hayaan mo naman akong matulog.”Pinikit nya na ulit ang mata nya at humilik na naman.

Wala talaga akong mapapala dito sa babaeng ‘to. Napaka-antukin. But on the other side, buti na nga lang talaga at kahit may attitude problem itong si Donna ay hindi nya parin ako iniiwan. She’s always there for me whenever I need her. Sa mga panahon down na down ako at tinalikuran na ako ng lahat, open arms nya parin akong tinanggap. Despite of my looks, na noon ay hindi naman kagandahan, tinanggap nya parin ako. I still owe her for that.

Ilang sandali pa ay umayos na ako ng upo kasi in-announce na nga Flight Attendant na ilang minute nalang ay lalapag na kami sa airport ng Pilipinas.

Ginising ko ulit si Donna but this time, hindi ko na sya sinampal. Mahinang tapik nalang.

“What now, Nadine?”

“Don’t sle-“

“Ayan! Sasabihin mo na namang don’t sleep?” Pagpuputol nya sa sasabihin ko sana.

“Huwag ka na ngang matulo-“ Again, naputol na naman yung sasabihin ko.

“Nadine, please? Inaantok pa talaga ako eh. Kaya ‘wag mo nang ipilit sa akin na hindi ako matutulog kasi matutulog pa ak-“

“Shut up, Donna! Sige, kung gusto mong matulog, matulog ka nalang dyan. Pero ‘wag mo akong sisihin kung maiwan ka dito sa eroplanong ito. Nakakainis ‘to!”

Natigilan naman sya sa sinabi ko, “R-really? Lalapag na yung plane! Oh my God, Philippines, here I come!”

Argh! Tingnan mo ‘to, hindi na pinansin yung pagda-drama ko.

I rolled my eyes at her, “Ano namang ikina-excite mo sa Philippines? Parang wala namang nagbago eh.”

“Sis, you’re so bitter! Aren’t you excited?”

“Excited of what, Donna? May dapat ba akong ika-excite?”

“Hello, Nadine! Pilipinas ang pinag-uusapan natin dito! Hindi ito basta bansa lang. Dapat, na-eexcite ka, kasi nandito yung bahay mo!

“Wala naman talaga dito sa Pilipinas yung bahay ko eh. Wala… na. Simula noong tinalikuran ako ng sarili kong pamilya, wala na dito yung bahay ko. Nasa states na ang comfort zone ko.”

I smiled bitterly at Donna, alam kong alam nya na itinakwil din ako sa amin. Hindi ako mahal ng parents ko, unlike my twin sister. Yung kambal ko? Maganda, mabait, talented, perfect. Ako, si Nadine? Panget. Wala na nga sigurong ibang words na pwede i-describe sa akin eh. Noon, pagsinabing ‘Nadine’mag-expect ka na lang na laging may karugtong yun na ‘Yung panget, pero matalino’

The Revenge of Nadine Lustre {JaDine}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon