Chapter 1: “When First Love Begins”
Isang madilim na gabi noon ng nagsimulang pumatak sa labas ng bahay namin. Ulan na
masasabi kong nakikisabay sa pag agos ng luha ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng
umiyak sa likod ng pader naming natapat ng bintana. Hawak ko ang litrato mo na iniisip na kung
pano makamove on sa anino mo, kung paano ako makakaalis sa mga araw na napapangiti mo
ako, sa mga oras na ang pakiramdam na tayong dalawa lang ang tao sa mundo.
Ako nga pala si Winston Del Rosario, but my friends call me Winnie. Opo, tama po kayo, ako’y
isang gay. A simple gay with simple wants, and simple needs. In need of love, friendship, security,
belongingness, esteem, and wants to know how
to self actualize na parang tinuturo lang ng Psychology teacher naming na Maslow’s Hierarchy of
Needs. Ako’y isang extrovert na tao, na ang pakikipagkaibigan sa lahat ng klase ng tao ang tanging
libangan. Tama po kayo, wala sakin kung mataba ka, mapayat, maitim, maputi, kayumanggi,
mabaho, maingay, tahimik, basta tanggap mo din ako, wala sakin ang mga bagay na yan. Isang
bading, na ang naging tanging kasalanan lang ay ang magmahal, magmahal ng isang taong hindi
ko alam kung mamahalin ako. Taong hindi humihingi ng kapalit sa lahat ng binibigay, dahil makita
lang silang masaya, daig ko pa ang nanalo sa lotto.
Sa mundo ngayon, isa na siguro ako sa mga malulungkot na tao, iniwan na nanaman niya ako. Eto
nanaman ako, umaasa, nag assume, nag expect sa huli, sino ang masasaktan? Ako din naman.
Nakilala ko si Raven nung 2nd year highschool ako, si Raven na isang matalino, mabait,
kayumanggi, at hindi pa nagkakagirlfriend. Oo, hindi pa siya nagkakagirlfriend, nung nakilala ko
siya nun, nagtext kami agad kasi new student siya nun. At dahil new student siya, hindi pa niya
alam na talagang paminta ako at nung una ko pa lang siya makita, hindi ko matatanggi naging
crush ko naman na talaga,
“Hi Raven!”
“Sino ‘to?”,
“si Winston pala”,
“Ohh, tol musta? Hirap ng mga subjects natin kanina no?”,
“ Oo nga eh, pero malay mo, matulungan kita gusto mo?”
“O’sige tol, lalo na yung Math at Biology? Di ko talaga kinakaya eh, sobrang hirap.”
“Sige ba ‘tol, wala yun, kaibigan nga kita diba?” “Salamat tol, di ko alam pano ako papasa niyan.”
Sa mga
katagang sinabi ni Raven, hindi maiiwasan sakin na magisip ng bagay, na baka nga naman crush
niya din ako, baka nga naman matatanggap naman niya ako, or baka nga naman isa na tong
simula ng pagiging matalik na ka-ibigan, ayy kaibigan pala. Naging araw araw ko siyang katext
nun, minsan naiisip ko, baka nahahalata na niyang bakla ako, pero dumadako naman sa isip ko
na, kung alam na niya, baka naman siguro tanggap niya ako.