Finding emo - Short Story

46 2 1
                                    

Naiinis ako kapag nakikita ko siya, yung buhok na nakatakip na halos sa mukha niya, yung earings niya na kulang na lang eh magsisigaw yung tenga niya sa sobrang tulis nun, at yung mga mata niyang may maiitim na bakas ng lapis na para sa mata. Yung pantalon niya na dinaig pa ang skinny jeans na gamit ko sa sobrang sikip at yung mga metal na nakalagay sa kamay niya. Pati ilong niya may earpierce, pero maliit lang na hikaw ang ginamit para doon.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Hindi ko alam kung rocker siya o emo pero ang sabi ng kaklase namin EMO daw ang tawag doon. Emo pala talaga siya. Hindi ko alam kung bakit tinitilian siya eh naaalibadbaran naman ako sa mga nakasabit sa katawan niya, mukha siyang tambay sa kanto na hindi mo maatim na lapitan. 

Pero kung mag-aayos lang sana siya makikita namang may ibubuga. Kahit may mga itim na eyeliner yung mga mata niya, makikita naman ang totoong kulay nito lalo na kung nasa liwanag. Ang ilong niyang perpekto ang pagkakagawa at ang mga labi niyang parang pinahiran ng cherry sa pagkapula.

        "Tinitingin-tingin mo diyan?". Nagulat ako sa sinabi niya kaya para kunwari hindi ako caught in the act eh sinagot ko siya ng pataray.

        "Ikaw ba tinitingnan ko? Kung hindi ka sana nakaharang diyan eh di makikita ko ng maayos yung talagang tinitingnan ko!". Nilampas ko yung tingin ko sa kanya papunta sa likod niya, mabuti na lang andon yung goodboy ng classroom namin. Si Cheng my loves. Haha Siya talaga yung pinapangarap ng karamihan dito, higit sa emo na nasa harap ko.

        "Tss." Yan na lang yung narinig ko sa kanya pagkatapos ay umalis na rin.

Nung medyo nakalayo na siya saka na ako tumingin sa kanya. Gwapo ka sana kung mag-aayos lang ng MAAYOS!

Next day..

Ganon parin yung ayos niya, well hindi na ako magtataka dahil araw-araw naman eh ganyan ang ayos niya. 

        "Hi Summer." Bati sa'kin ng kaibigan ko. Nag smile lang ako sa kanya.

        "Ahmm Ann, alam mo ba kung bakit ganyan mag-ayos yan?". sabay turo ko kay Aiden. Aiden yung pangalan ng emo naming kaklase.

        "Ewan ko eh. Pero ganyan na yan noon pa di ba?". Sabagay tama siya pero wala na ba siyang ibang style? Like duhh!

        "Eh ang pangit kaya sa mata! Yung mga earings niya! Yung mata niyang may eyeliner! Yung skinny jeans niyang hapit! Yung bangles niyang puro metal! At yung ano ah basta! Lahat ang pangit! ". Parang hindi naman maipinta ang mukha ni Ann sa sinabi ko, pero sa sinabi ko nga ba? Nagtaka ako nung may tinitingnan siya sa likod ko. Tumalikod kasi ako kanina pagkatapos kung ituro si Aiden.

Umiiling-iling pa si Ann tapos sabay hakbang paatras. Paglingon ko parang gusto ko ng mag collapse sa nakita ko. Si aiden kasi nakatayo sa likod ko. Wait! Did he hear all what I said? shit! shit!

        "Bakit sinabi ko bang gustohin mo ko? sinabi ko bang tingnan mo 'ko? Sinabi ko bang pakilaman mo kung anong ayos ko!". Galit yung boses niya kahit mahina ito pero diin at iba yung tono.

        "Ano kasi- hindi ano, iba ka naman ng intindi eh--

        "Bakit tingin mo mag-aadjust ang mga tao sa paligid mo para lang sayo? I'm not pleasing you to like me nor my style!". Pahakbang siya ng pahakbang papalapit sakin habang nagsasalita kaya na corner na niya ako.

Hindi ako makasalita dahil sa guiltyness na naramdaman ko. Oo, sobrang nakaka-guilty.

Bigla niyang hinarang yung mga kamay niya sa gilid ko, he locked my way. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.. Napapikit ako kasi feeling ko hindi ko kakayanin pa yung tignin niya binibigay niya sa'kin.

Finding Emo (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon