[Skylie Channel Blue's POV]
*PAK*
"Matapos kitang patirahin dito ganyan ang igaganti mo saken!? Pagnanakawan mo ko!?" bulyaw sa akin ng Tita Teresa ko.
"W-wala naman po kasi akong kinuha hindi po ako nagnanakaw. Bakit po ako ang pinagbibintangan nyo?" tumulo na lang bigla yung luha ko.
"Wala akong pakielam! Lumayas ka na dito!" pinagtatapon nya yung gamit ko sa kalsada.
"Tita!! Tama na po-- A-akin na po 'yan-- Tita---" tinulak nya ako at napaupo ako. Kasama ang mga gamit kong nakakalat. Pinulot kong lahat 'yun habang tumutulo yung luha ko.
"Wag na wag ka ng babalik dito!" sigaw nya saken sabay sara nya ng Gate.
Inayos ko yung gamit ko at nilagay ko sa bag. Nakakaasar naman, *sob* Gabing-gabi na san pa kaya ako pupunta? Ano ng gagawin ko? Wala na akong kamag-anak dito maliban kay Tita Teresa, hindi ko alam kung bakit nya na lang akong pinagbintangan. Kahit alam kong gipit ako, hinding-hindi ko inisip ang magnakaw. Pinalaki ako ni Mama na mabuting bata.
"Mama ... P-paano na ako ngayon?" Umupo ako at niyakap ang dalawang tuhod ko. "Paano na ako?" humagulgol ako ng iyak.
Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad, mahigit isang oras na akong naglalakad... Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko . Dalhin mo sana ako sa lugar na mabubuhay ako at magiging masaya...
*Dingdong*
Hindi ko alam kung kaninong bahay 'tong pinuntahan ko. Hihingi lang ako ng tulong, kakapalan ko na ang mukha ko ngayon.
"Wait." rinig kong sabi nung nasa loob. Pinagbuksan nya ako ng gate. "Who are you?"
"P-ple---"
"Ikaw ba yung kasambahay na pinadala ni Greyson?"
![](https://img.wattpad.com/cover/27358318-288-k70316.jpg)
BINABASA MO ANG
Love: Do you exist?
Romance"Bakit kailangan ako pa ang makaranas? Bakit kailangan ko pang magpakatanga para lang mapatunayan na mahal kita? Sapat na ba ang salitang MAHAL KITA kung hindi ko papatunayan? Alam ko na alam mo na mahal kita, pero bakit sya!? Kung sino pa 'yung hin...