PATHWALK...
Sa halos apat na taon ng pagiging estudyante ko sa unibersidad na ito, hindi ko na mabilang kung ilang beses ba akong nakapaglakad na sa daanang ito.
Dito ko nakakasama at nakakasabay sa paglalakad ang mga kamag-ara ko kapag uwian na, na sinasabayan ng masasayang tawanan, lokohan at kwentuhan.
Dito sa Pathwalk na ito, nakakasalubong at nakakasalamuha ko ang iba't-ibang mukha ng daan-daang estudyanteng papalabas at papasok din ng unibersidad.
Dito sa parehong daan din na ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang mukha..
NIYA...