Normal day...
Naglalakad na kami sa Pathwalk dahil maaga kaming pinauwi ng professor namin. Kasabay ko ang mga kaklase kong lagi kong kasama pauwi na sina Karen, Cham, Monica, Rosalie, Kristine, Leanny at Jelica. Marami kami kaya laging masaya ang uwian namin. Napupuno ng kwentuhan, lokohan at tawanan.
"Kaye, soulmate mo oh."
tinawag ako ni Cham habang tumatawa kasama si Rosalie. Tinignan ko naman siya at nakita kong may itinutoro siyang "soulmate" ko kuno. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kung sino mang itinuturo niya.
Lalaki. Nakasuot siya ng long sleeves hanggang sa may wrist niya. Formal attire ito na may design na blue and white vertical stripes na tinernuhan ng navy blue na necktie.
Nang makita ko ang kasuotan ng lalaking iyon ay agad kong naintindihan kung bakit nasabi ni Cham na "soulmate" ko iyon, datapwat alam kong biro lang iyon.
Pareho kami ng suot ng lalaki.
Pareho sa paraan na ang disenyo ng akin ay pangbabae dahil ang akin ay 3/4 sleeves na blouse at may blue and white na vertical stripes din.
Pagkatapos sa damit ng lalaki, sa mukha naman niya sunod na napako ang tingin ko. Good-looking ito at maganda ang postura ng katawan, bagay na bagay sa kanya ang mag-business attire.
Magkasalubong kami ng lakad. Kung kami ng mga kaklase ko ay papalabas ng unibersidad, ang lalaki naman ay papasok pa lang.
Nakatingin pa rin ako sa lalaki ng bigla rin itong tumingin sa akin.
Mabilis ang tinging ibinigay nito sa akin at kasunod nun ay dumapo naman ang tingin nya sa suot kong damit. Marahil ay napansin din niyang pareho kami ng damit.
Nakakahiya.
Umiwas siya ng tingin-parang wala lang sa kanya, at tuloy na naglakad papasok habang ako'y di pa rin maialis ang tingin ko sa kanya. Hanggang malampasan na namin ang isa't isa.
Duon ko lang naramdaman na nanghihina na pala ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganun?
Dahil ba ito sa lalaking iyon?
*if you did like the story, please click VOTE ^^