wallet (short story/completed)

314 13 7
                                    

A/N: first time ko po itong gumawa ng story..  xenxa na po kung hindi maxadong maganda ! hihi :))

Pede nyo po xang i-vote kung gusto nyo .. pede din po kayong mag-comment positive man o negative :)) peo mas maganda pa rin po kung positive .. hihi :))

-- 

si shiella.

Maraming nagsasabi sa akin na ..

Pag-naglagay ka daw ng litrato ng taong mahal mo sa wallet mo

At walang nakakita nito sa loob ng 20 days .

Ay magkakatuluyan kayo !

Wala naming masama kung susubukan diba? Wala rin namang mawawala.

At tulad ng nasa isip nyo. Sinubukan ko sya !

Nilagay ko ang picture ni Rafa sa wallet ko.

Actually kinuha ko lang yun sa fb nya then pina-print ko.

Sinubukan ko talaga yung sabi ng mga kaibigan ko . wala namang masama diba?

Ganun ako ka-obsess sa kanya .

Super-duper crush ko kasi sya.. feeling ko nga hindi lang crush eh. Mahal ko na nga ata !

Ang cute nya kasi, gwapo at higit sa lahat ang galing kumanta with matching gitara pa !

Kaso may problema..

Hindi kasi kami close kahit magkaklase kami !

Mayayabang kasi yung tropa nila eh.

Ewan ko ba kung bakit ko sya minahal !

Ang yabang-yabang kasi nya tapos poging-pogi pa sa sarili nya !

--

1 day..

5 days..

18 days .. ko nang tinatago ang picture nya sa wallet ko !

At ngayong pang 19th day na !

Isang araw nalang dream come true na ! magiging kami na ni Rafa !

Class dismissal

Palabas na ko para umuwi .

Kinuha ko yung wallet ko !

Kuha sa bulsa .. wala !

Kapa..kapa..kapa.. wala pa rin !

Halungkay sa bag… wala din!

Todo hanap ulet sa bag ..

Hanap..hanap..hanap..

Wala talaga !!!

Takbo ako pabalik ng class room..

Takbo..

Takbo..

Takbo..

Hala ! sana naiwan ko lang sya dun !!

Kinakabahan tuloy ako..

1ST .  sayang lahat ng pera ko

2nd .  baka may makakita ng picture ni Rafa ! nakakahiya !

3rd . pag may nakakita ng picture ni Rafa .. hindi na kami magkakatuluyan !

        Saying ang aking dreams !

Sa wakas malapit na ko sa room.

Shocks ! nandun sya ! nandun si Rafa !

Pero pauwi na din yata sya..

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom ..

Todo hanap agad ako !

Tingin sa table..

Tingin sa ilalim..

Tingin sa drawer ng table ng teacher .>>

Tingin sa gilid-gilid     <

 Biglang nag-salita si Rafa..

“eto ba ang hinahanap mo?” sabay labas ng wallet ko

Waaaahhh !!

Nakangisi pa sya tapos parang mukhang nang-aasar .

“oo yan nga. Akin na yan !”

Tug.dug.tug.dug.tug.dug

Biglang bilis ng tibok ng puso ko..

Kinakabahan kasi ako baka kasi nakita nya yung picture nya dun!

Nakakahiya!!

At isa pa .. hindi na kami magkakatuluyan!

Binigay nya yung wallet ko..

Tapos mukha syang natatawa!

“pang-ilang araw na yan?”

Hala !! yung picture yata yung tinutukoy nya !

Patay !

Nakakahiya!

*inhale* *exhale*

“P-pang 19 na“

Wwwwaaaaahhhh !

Bigla syang ngumiti at sabay sabing..

“yung akin kasi pang 23 days na !”

Sabay pakita ng wallet nya.. nang Makita ko ang picture dun..

Nagulat ako ..

Dahil ang nasa picture ay …

Ako !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

wallet (short story/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon