SOMETHING ABOUT WATTPAD

563 12 13
                                    

SABI NG WAG BABASAHIN EH! AYAN BINALAAN NA KITA PERO MAKULIT KA EH.


Okay. Bago ko simulan ang pag-eemote ko kailangan my Opening remarks ako. Hahaha. Hindi ko maituturing na Author's note to dahil hindi naman ako WRITER at ayokong mag FEELING katulad ng iba diyan. Oh, wala akong particular person na pinapatamaan ha! So eto nga sa panahon ngayon ang hirap na maghanap ng magandang istorya dito sa mundo ng wattpad. Yung tipong ginalugad mo na lahat ng parte ng kaawa-awang si wattpad pero paulit-ulit lang yung nakikita mo. Kumabaga ONE IN A MILLION nalang ung maituturing mong kahanga-hangang kwento dito eh, feeling ko unti-unti na ding napopollute tong site na to katulad ng facebook ang dami ng kaek-ek-an na nangyayari at ang mas malala tao ang sumisira dito. Nakakabwisit at Nakakairita lang.

At dahil wala naman akong mapagsabihan nito naisipan kong isinulat nalang dito lahat ng inis ko. Lahat ng isusulat ko dito ay pawang sariling opinyon ko lang, kaya wag kang mag-inarte ng bonggang bongga kung ayaw mong sampalin kita magkabilaan. Hahaha! Syempre joke lang yung sasampalin. XD Pakiramdam ko tuloy maraming maiinis sa mga sasabihin ko dito, at for sure marami din ang matatanggap kong mga negative comments dito. Pero pakialam ko naman sayo? Kung ayaw mong basahin at natamaan ka dito you are now free to leave. BINALAAN NA KITA. Tsupi. Alis. Shooooo. Di kita kelangan dito. Pero kung makulit ka at gusto mo talagang basahin eh bahala ka na sa buhay mo. Haha. Got it?

So lets start.

Eto yung mga common na napapansin kong dahilan kung bakit nagiging konti nalang yung magagandang story sa wattpad.


Una, bakit ba ang hilig hilig ng mga tao dito na kopyahin yung kwento ng isa. I mean, hindi yung literal na iplaplagiarize yung story pero yung plot ng kwento niya ang kukuhanin, minsan pati nga yung title halos makakapareho na. Alam mo yun nakakasawa ng basahin dahil masyado ng cliché, kumabaga wala ng thrill pero ang mas nakakagulat eh bigla mong makikita na nasa What's Hot Section siya. Badtrip diba? Sana naman maging unique tayo hindi yung porque nagBOOM yung isang story eh kokopyahin mo na din. Lahat tayo may iba't ibang imaginations at nasa atin na yun kung paano natin papalawakin. 


Pangalawa,  yung mga author na di na tinutuloy yung story na ginagawa nila. Minsan nga naghahanap ako ng story dito sa wattpad at napapadpad ako sa Undiscovered Gems section tapos ayun ang daming magagandang kwento kaya lang hindi na nila pinagpapatuloy. Nakakapanghinayang lang. Alam mo ba kung bakit di na nila tinutuloy? Ewan ko din, pero siguro dahil napanghihinaan din sila ng loob lalo na kapag newbie lang sila dito sa wattpad, iniisip siguro nila na walang magbabasa sa story nila. Basta ang masasabi ko lang sayo sayang yung talent mo kung sino ka man, kasi isang maganda kwento ang nasayang at yung mga not-so-kagandahan-story ang natira. Tsaka kung passion mo ang pagsusulat wala ka naman pakialam kung may magbabasa o wala ng gawa mo eh, ang importante naeexpress mo yung sarili mo sa kwentong ginagawa mo. Yun ang tunay na writer, maging thankful ka nalang kung may nakapuna o nagandahan sa kwento mo. :)


Para dun sa mga naapektuhan dito sa mga pinagsasabi ko don't get me wrong ha, baka naman kasi sabihin niyo na sobrang sama ko at sinasabi kong ang panget ng gawa niyong story niyo ang sakin lang masyado na kasi typical yang ginagawa niyo. Parang pagkaen lang yan eh, pag napasobra ka ng kaen NAKAKAUMAY.


Pangatlo,  eto yung mga taong nagfefeeling na magaling magsulat pero sa katunayan eh ang putchu putchu naman ng gawa. Yung ang hilig hilig maglagay sa author's note niya na hindi siya maguupdate kapag walang votes or comment or whatever (Hindi ko sila nilalahat dahil may mga kilala akong magagaling na author na naglalagay ng ganyan sa story nila) ang saakin lang siguraduhin mo lang na sobrang ganda ng update niyo kapag nag-iinarte kayo ng ganyan. Alam kong nasa democratic country tayo at pwede niyong gawin lahat ng gusto niyo, pero gamitin niyo nga ng maayos yang karapatan niyo. Kung tunay na maganda yung kwento mo eh may makakapansin niya at di mo kailangan magmakaawang mag vote, comment or fan sila.


At para sa sarili kong opinyon kung passion mo talaga ang pagsusulat hindi ka maghihintay ng kahit anong kapalit unless may iba kang motibo.. tandaan mo hindi mo kailangan maging POPULAR dito sa wattpad, actually mas nakakapressured nga yun dahil ang laki ng inaasahan ng mga tao sayo eh, diba? Pero kung yan talaga ang gusto mo at sigurado kang kaya mong mameet ang expectations nila edi I-PUSH MO YUNG ATENG! GANDA GANDA MO EH. PERO MAS MAGANDA AKO. HAHAHA! :D Kaya nga hangang hanga ako dun sa mga magagaling na writer dito sa wattpad na hindi nagyayabang instead they remain humble despite the fact na sobrang successful nung story nila. Yung iba kasi makagawa lang ng story akala mo kung sino ng magaling, JUSKO LANG TE! TSK. Yun mga uto-utong reader naman eh todo vote at comment ang nangyayare tuloy yung mga kwentong deserving na mabasa eh naeetchepuwera dahil natatabunan sila nung mga kwentong walang kakwenta kwenta. tsk. Nakakainis nga naman talaga.


At syempre baka sabihin niyo sobrang MEAN ko at puro yung mga writer ginigisa ko.. Syempre dapat fair ang lahat. Kayong mga Readers naman please lang wag kayong maging SUNUD-SUNURAN na pag sinabing "please comment vote or fan" eh susunod na kayo, dapat pag ginawa niyo yan eh yung di kayo inutusan kundi talaga nagandahan ka dun sa gawa. Wag din kayong PLASTIC alam niyong pinagbabawal na yan sa Pilinas kaya wag niyong sasabihin na maganda yung kwento kahit hindi naman pero kung totoong nagandahan kayo sa story niya then GO PURIHIN NIYO TO DEATH! Wag din kayong magTANGA-TANGAHAN at BULAG-BULAGAN LEARN TO CRITICIZE NOT THE AUTHOR BUT THE STORY, walang masama sa pagiging prangka lalo na kung alam mong wala kang masamang ginawa. Oo given na yung masasaktan o maooffend yung author pero di ba mas makakatulong nga sa kanya kasi malalaman niya kung ano yung mga dapat niyang ayusin dun sa masterpiece niya? Kaya kayo wag puro basa ng basa at kulit ng kulit sa author na mag-update na instead tulungan niyo siya, in that way pareho niyo pang masasatify yung mga sarili niyo in short pareho kayong magBEBENEFIT. :)


Oh diba? Ang haba ng sinabe ko, pero atleast narelease ko yung nasa loob ko at syempre kahit papaano ay nagising gising din kayo. Hindi ko intensyon na awayin yung mga writer instead gusto ko lang na mas machallenge sila dito sa mga pinagsasabe ko, kaya ang magreact ng sobra.. GUILTY.


Alam ko may makakapansin at may makakapansin na ni isa wala akong story na ginawa at sasabihin na ang lakas lakas ng loob ko mamuna pwes eto lang masasabi ko.. Ayan yung punto ko kaya di ako gumagawa ng kwento dito, HINDI AKO NAGFEFEELING MAGING WRITER DAHIL ISA AKONG READER! HINDI KASI AKO YUNG TIPO NG TAO NA BASTA NAG HIT YUNG ISANG BAGAY EH GAGAYAHIN KO NA. PLEASE NAMAN DUDE ORIGINALITY! TSK. TSAKA WALA ATA SA DUGO KO ANG PAGSUSULAT EH! ayokong ipilit yung sarili ko sa isang bagay na hindi naman talaga ako magaling, kaya wag mo akong maarte-artehan diyan dahil mas maarte ako sayo. (Nahawa na ako kay Avah) HAHAHA! :D

At eto pa pala, di ko to ginawa para mag magaling, magmalinis, magpasikat o kahit ano pa mang words na may "MAG" maliban sa mag maganda dahil maganda ako. Charot. Hahaha. Ginawa ko to dahil may pinaghuhugutan ako at ayun yung inis ko, bahala kayo kung gusto niyong icriticize tong mga pinaglalaban ko, malayang mag iwan ng komento kung nais kung ayaw edi wag. Ok ba yun? XD


Ayun! Paalam mga kaibigan hanggang sa muli! :D

SOMETHING ABOUT WATTPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon