Sa Aking Muling Pagbabalik! :D

75 1 2
                                    

Hello mga kaibigan kong magaganda! Nandito na naman ang pinuno niyong pinakamaganda sa lahat. HAHAHAHA! Mahangin na ba? Pasensya naman ha kung anu-ano sumasapi saakin ngayon eh. Hahaha.

Anyway, nandito muli ako para maglabas ng aking mga hinaing. Papakinggan niyo naman ako ulit diba? Hahaha. So eto na nga.

Bakit ganon patindi na ng patindi ang nangyayare dito sa wattpad? -____- kung dati wala ng kakwenta kwenta mga nasa What's Hot section eh mas lumala pa ngayon. Ewan ko kung saakin lang ba nangyayare ito o pati sa inyo ha, pero tuwing nagsesearch ako sa What's Hot section eh puro about sa "SEX" ang theme ng story. Yung iba pa nga prologue palang ang dami na agad reads. Anyare? Ganon ba talaga ka-catchy ang isang kwento kapag about sa sex or matured content ang laman at title nito? I'm not saying na hindi ako nagbabasa o nakapagbasa ng mga SPG stories honestly dati nahooked din ako diyan pero I realized na mali yun kaya binalance ko na yung mga binabasa ko kasi naapektuhan na din ako nun. Ngayon naiinis na ko dahil hindi ko na talaga alam kung anu ba ang dapat na basahin ko. I tried to read one of the matured stories I've seen in that said section and guess what? Nainis lang ako dun sa nabasa ko. 85,000+ ang reads nun pero ang laman wala pa atang 4 pages at puro kalaswaan lang talaga ang nakasulat and take note talagang catchy ang title niya. Bakit ganon? Hindi ko alam kung dun ba ako sa author maiinis o dun sa mga nagbabasa eh. Ganon ba talaga kagusto ng mga readers ang ganong babasahin? I hope not.

Tsaka alam niyo mga dear writers, kahit na sabihin niyo pang pang 18+ lang yung stories niyo hindi pa din maiiwasan ng mga batang readers dito sa wattpad na di macurious sa kwento niyo. Kung forte niyo talaga yung pagsusulat ng mga kwentong pang adults then dapat iprivate niyo nalang yan at yung mga fans niyo lang makakabasa. You might don't know that your stories can give a big impact on your readers especially the younger ones. Please be responsible enough.

Tapos dun naman sa mga readers, sana kayo din maging responsable sa mga binabasa niyo. You have the free will to do what you want to do pero magbasa naman kayo ng istoryang angkop sa edad niyo. Meron nga tayong idiomatic expression na "Curiosity Killed the Cat", baka sa sobrang pagkacurious niyo eh gawin niyo na din yung mga nababasa niyo. Baka sabihin niyo na ang OA ko na pati yung pagbabasa ng matured stories eh napapansin ko pero siguro aware naman kayo diba na malaki ang epekto nang mga nababasa ng tao sa araw araw na ginagawa nila. It might bring you into trouble especially sa mga girls.

I wrote this because I'm concern. Hindi man tayo magkadugo pero I can be your Ate and Friend. Mas seryoso ako dito unlike dun sa previous na sinulat ko dahil kailangan to ng seryosong atensyon. Gets niyo?

I'm hoping na hindi tuluyang mapollute itong wattpad world kasi pag nangyari yun? ewan ko nalang. Ayun lang. Until next time. Xiao! Godbless everyone!

SHARE YOUR THOUGHTS. LEAVE YOUR COMMENTS IF YOU WANT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOMETHING ABOUT WATTPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon