KABANTA 3 - ALAMAT

5 0 0
                                    

Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu.

Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.

Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit  sa Ilog Pasig.

Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo.

Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 24, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

EL FILIBUSTERISMODonde viven las historias. Descúbrelo ahora