Book Writing Talk 01: "Minsan, Masarap Maging Tanga"

93 4 0
                                    

Book Writing Talk 01: "Minsan, Masarap Maging Tanga"

By D. Lavigne

Sa lahat ng katangahang nagawa ko sa buhay ko ngayon, masasabi ko na ito 'yong tipo ng katangahan na hindi ko ikahihiyang ipagmalaki kahit kailan.

D stands for Deadline.

Mula #APSHRavctthlNSU (Anthology Para Sa Hopeless Romantic at very conceited to the highest level Na Si Ulan), kakambal ko na ang deadline. Para kasing musika 'yon sa mga tenga ko na nagmo-motivate sa aking gumawa ng magic sa natitirang oras.

Kikilos ka o kikilos ka, D?

Syempre, kikilos. Kailangan nang kumilos para mabawi ang masasayang araw ng procrastination. Ang saya-saya. Ha-hunting-in ka talaga ng pinairal mong katamaran at katangahan hanggang sa dulo ng mundo. Wala kang kawala.

Last day of submission ng entry para sa anthology, hindi pa rin ako kuntento sa one-shot ko. Nagpa-panic na ako dahil feeling ko, hindi ako makakaabot. Pero may nangyaring magic noong araw na 'yon.

Masaya si Ate Rayne noon sa buhay niya habang ako, ngarag sa pagtapos ng one-shot. Seryoso siya sa writing contest. Seryoso akong magpasa ng entry kahit sabaw. Pero dahil masaya talaga siya noong araw na 'yon, in-extend niya ang deadline ng isa pang araw!

Natuwa ako. Muntik pa ngang tumalon-talon sa higaan. Ginusto kong kumain ng pop egg. Na-excite akong magsulat. Hindi ko nga lang ginawa ang mga nabanggit dahil pagkabasa kong na-extend ang deadline, literal na bumulagta ako sa higaan para matulog. Nakahinga ako nang maluwag.

Natapos at naipasa ko naman ang entry ko bago matapos ang araw. Naks. Buzzer beater. Nakahabol din sa deadline si tanga. Congratulations.

D stands for Disaster.

Ang buong akala ko, doon na magtatapos ang lahat. Seryoso na kasi ako sa desisyon ko na tumigil na sa pagsusulat. Patapos na ang project para sa mga one-shots pero may kasunod pa pala roon. Novella project naman.

Sabi ko sa sarili ko, kuntento na ako sa naisulat kong one-shot. Parang alien word sa akin 'yong "novella" dahil hindi ko naisip sa buong buhay ko na magsusulat ako ng mahabang kwento. Hirap na hirap na nga ako sa one-shot tapos papayag pa akong sumali sa novella project?

No way--

"G ka ba sa novella project?" tanong ni Ate Rayne.

Sumagot ako ng matamis na "yes".

Disaster talaga ang nangyari sa akin at sa kwento ko. Walang halong biro. Hindi ko alam kung matatapos ko nga ba siya o ako ang tatapusin niya.

Madalas kong awayin ang sarili ko dahil hindi talaga ako makapagsulat. Bumalik 'yong takot ko sa blank page at sa kumikindat na cursor. Kinwestyon ko ulit ang sarili ko kung dapat nga ba akong tawagin na isang writer.

Mabibigyan ko ba ng hustisya 'yong green word document?

May sense ba 'yong sinusulat ko o wala?

May mapapala kaya 'yong magbabasa ng kwento ko?

Iba ang one-shot sa novella at iba ang novella sa novel. Putek. 'Yong novella na-upgrade na para maging novel. 'Yong output ko, pang-one-shot pa rin. Paano na?

Kung hindi ka magpapatapos sa akin, patulugin mo na lang ako tuwing gabi.

Kung hindi ka magpapatapos sa akin, maraming masasayang.

Kung hindi ka magpapatapos sa akin, wala na akong choice kundi mag drop sa project.

Ano na, Invisible String? Goodbye and thank you?

Book Writing TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon