Matang Mapaglaro

21 0 0
                                    

Nang ikaw ay aking nasilayan,

Kakaiba itong aking naramdaman,

May kung anong kumiliti,

Sa akin ay nagpangiti.

Ako ay biglang natigilan,

hindi naiwasang ikaw ay titigan.

Ang iyong mga matang kay ganda,

Tila ba nangungusap sa tuwina.

Ako nga ay hindi pa nakuntento,

Sa iyong kabuuan ay nagpakaeksperto.

Perpektong hubog ng ilong at labing kay pula,

Naging dahilan upang sayo ako'y lalong mahalina.

Sa iyong matatamis na ngiti,

Marami ang nabibighani,

Ang bawat tao atang nagdadaan,

Ikaw ang sinusulyapan.

Habang ang aking mga mata ay abala,

Upang ikaw ay lalong makilala,

Bigla kong napansin,

Tila sa akin ikaw ay nakatingin.

Dibdib ko'y biglang kumabog,

Para bang ito ay sasabog,

Anak naman ng tokwa,

Itsura ko ata'y hindi na maipinta.

Maya maya pa'y aking naramdaman,

Para bang ika'y papalapit sa aking kinaroroonan.

Sakto namang pagangat ng aking ulo,

Sumalubong ay mukha mong nakatutukso.

Bigla ka na lang ngumiti,

Labas ang mga ngiping kay puti,

Sa labis na tuwa,

Ako ata'y pinamulahan ng mukha.

Sarili ko ay ikinalma,

Sa iyo sana'y handa ng magpakilala,

Nang mula sa likod ko'y may sumulpot,

Lumapit sa iyo saba'y pumulupot.

Mga ngiti ko sa labi,

Lahat ay biglang napawi,

Mga tuhod ko ay nanlambot,

Tila ba gusto nilang bumaluktot.

Sa unti- unti mong paglayo,

Ay akin na ngang napagtanto,

Sapat na nga siguro,

Ang pagtitig ko sa iyo mula sa malayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matang MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon