Alam mo bang sa mga oras na to, habang ginagawa ko to. kasalukuyan mo kong kinukulit dahil ayaw kong sabihin sayo yung ginagawa ko. Iloveyou!
Sa bawat umaga, sa pagbukas ng aking mga mata
ikaw ang laging naaalala.
Ang iyong mga mata at labi mong kay pula.
Sa iyong mga halik at yakap mong kay higpit akoy nananabik.
Ikaw ang araw sa aking umaga
ang buwan at mga butuin sa bawat gabi.
ikaw ang mga luntiang dahon sa aking paligid.
at mga bulaklak na sakin nagpapangiti.
Ikaw ang tubig na dumadaloy sa batis,
ikaw ang mga paru paro sa parang,
ikaw ang liwanag sa bawat dilim
at ikaw ang hanging bumubuhay sakin.
ikaw ang mundong aking ginagalawan.
ikaw ang ibong may kakaibang himig
ang mga ulap na may ibat ibang hugis
at ikaw ang aking buhay, ang lahat lahat sa akin.