Out of reach

42 3 1
                                    




A daughter, wife and a mother of one. Hindi man nagtagumpay sa pagiging theatre artist e natupad naman ang isa sa mga pangarap ko, ang maging writer. Isa ako sa mga manunulat ng isang sikat na pang teenager romatic drama ngayon sa TV bukod dun, nagsusulat din ako ng iba't ibang kwento online, published with payment at ngayon, huling araw na ng pag susulat ko ng kauna unahan libro ko, ang So Close.

Love doesn't end when someone dies, it is just the beginning.

Honestly, hindi ko alam kung saan ko nahugot lahat ng inspirasyon ko sa pag susulat lalo na yung mga story na mala diary theme. Yung So Close ay story ng dalawang duwag na taong nagmamahalan and nung time na pinili na nilang maging matapang para sa pagmamahalan nila, hindi na pwede kasi namatay na yung isa.

Tunay nga namang life was so ironic. Kung kelan akala mo okay ang lahat dun pala hindi. Nangyayare ba talaga yung ganitong kwento in real life?

Kung hindi mo alam ang sagot, Oo.

-

'Yung lunch mo dala ko, wag ka ng bumili'

Napangiti ako sa text nya, 2 years and counting. Until now hindi parin ako makapaniwala kung bakit of all the people ako ang napili na maging may ari ng puso ni Tim, ang boy friend ko ng tatlong taon.

Sweet, paboritong salita na madedescribe ko about sa kanya. Hindi sya hearthrob, sakto lang yung talino pero determinado, masipag, family oriented at higit sa lahat maalaga. Siya yung tipo ng tao na ipaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa kanya na sobra sobra na tipong masasanay ka na.
Yung halos hindi mo na alam paano simulan yung araw mo ng wala sya. Cheesy na kung cheesy pero kung may salita mang perpekto, si Tim na yun.

Graduating kami ni Tim, multi media course ko sya naman business ad. Ang layo sa isa't isa pero sabi nga nila kahit pa di konektado yung buhay nyo kung kayo talaga dapat, kayo.

Nakabangga ko si Tim way back first ever day ko sa school, pareha kaming freshmen that time tapos unang sulyap palang nakuha nya na yung attention ko pero ako sa kanya, walang effect. Inisnob nya lang ako nun matapos nyang mag sorry.

Hindi na sya mawala sa isip ko from that time na makita ko sya pero masaklap kasi di na ulit kami nagkita. One sem passed, up to two. Walang 'Tim' na nag appear ulit sa buhay ko sa loob ng isang taon, akala ko nga nag drop out na sya dahil di naman kalakihan yung university para ganito sya kahirap hanapin not until a day came.

Inabot ako ng gabi sa university dahil sa last day ng practice for a school play kung saan ako kabilang. Umuulan ng malakas and wala akong payong. Madilim at konti nalang yung students na kasama ko na nag aantay na tumila yung ulan sa may bandang gate ng university ng magulat ako sa taong nag offer sa akin na maki sukob na sa payong. Ang matagal ko ng inaantay at hinahanap hanap, si Tim.

Sinabay ako ni Tim hanggang sa sakayan ng bus, mag ta-taxi na sana ako kaso bigla kong gustong itresure yung moment. Kahit ngayon lang, gusto kong bumagal yung oras opposite ng bilis ng tibok ng puso ko.

Noong gabi nayun, indeed I realized na na love at first sight ako kay Timothy Agoncillo. ❤

--

After that night, nagresearch ako about sa kanya. Mostly pala gabi yung schedule nya kaya di ko sya masyadong nakikita kaya naman lahat ng research and home works ko tinatapos ko na sa school kaya madalas akong abutin ng gabi kasing dalas ng pagkikita namin.

Mabait si Tim, gentle man. Naging magkaibigan kami though di nya na talaga matandaan yung una naming pag kikita. Ang dahilan ng malakas na impact na lumaglag sa puso ko papunta sa puso nya.

Tumagal yung pagkakaibigan namin ng isang taon, lalong lumalim. Hindi ako yung tipo ng tao na magtyatyaga sa isang bagay pero binago ni Tim yung pananaw ko na yun. Kung ucacalculate lahat, ako ang dahilan kung bakit tumagal yung samahan namin ng isang taon dahil hindi ako tumigil sa pagtitiwala na darating yung araw na masusuklian nya yung nararamdaman ko para sa kanya, at hindi ako nabigo.

Out of reachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon