Prologue

7 0 0
                                    

I don't know kung nasobrahan ba ako sa pagiging praning o talagang baliw na ako...pero isa lang naman akong mabuting tagahanga at mapagmahal na babae.

Normal lang naman siguro magkacrush sa isang tao pero maaaring wala pang tao ang nakaranas ng ginawa ko.

For one person,binago ko lahat ng sa akin. Identity ko, presence ko,fashion---lahaaaat ng mga trace na makakapagturo sa akin na babae ako. Why?? Dahil lang sa isang lalaki na pinapangarap ko.

I entered the same school as his, correction! It's an all boys school kaya baka walang maniwala sa akin. Gusto ko lang naman makita yung crush ko. Matunghayan ko lang siya sa isang araw ay buo na ako.

Siyempre...di naging madali sa akin ang magpanggap na lalaki lalo't puro lalaki din ang nakakasalamuha ko mapa teacher,students o staff pa yan.

But....lalo akong nahirapan ng makilala ko ang kutong-lupa kong roommate sa dorm ko---namin pala, at impyerno lagi ang araw ko dahil araw-araw ko siyang kasama depende lang kung may pasok ako. Para sa akin ay siya na yung pinakapesteng inilikha ng diyos...masyadong mayabang, arogante at akala mo kung sino! Lagi nga kaming nag-aaway at ang ingay lagi sa dorm dahil ayaw namin sa isa't-isa. Kung hindi lang dahil sa crush ko na nag-aaral dito ay baka umalis na ako.

Pero maraming nagbago...lahat! I don't know kung anong nangyari at sabi nga nila ay walang sikretong di nabubunyag.


Sa huli ay may nakaalam na babae ako.

His identity is SheWhere stories live. Discover now