The Empress Queen

26 8 42
                                    

Cez's POV
           "Mission accomplished cez"
Sabi ni Ixxy na kararating lang
"Good" cold kong sagot sakaniya. Nandito kami ngayon sa my hideout namin. Its a secret place na tanging members lang namin ang nakakaalam maraming bomba na nakatanim dito kaya kung may magtatangkang sumunod saamin, well good luck. Kasi isang maling galaw lang nila siguradong buhay nila ang kapalit.

Hayst ... Ang dami nanamang buhay ang sisirain ng lintek na mission na yan.
I closed my I eyes and take a deep breath, I don't know kung paano ako napunta sa ganitong situation ewan ko basta ang naaalala ko sobra akong nasaktan dati para bang lahat ng problema binigay na saakin wala akong ibang matakbuhan kundi ang sarili ko lang until one day I killed a person, I was just protecting myself kasi it's either ako ang mamatay o ako ang papatay. Then from then on everything change, hahaha what can I do I killed one of the most influential person in the whole world I killed a person na walang ginawa kundi ang pumatay at sumira ng buhay. And I was left with no choice, siguro naipanganak na talaga ako para sa ganitong tungkulin at gawain.

Marahas akong tumayo dahil sa mga ala-ala na bumabalik. Ilang taon na ba ang lumipas? Bakit hanggang ngayon masakit parin? Ang sakit lang isipin na nagsimula lahat ng ito dahil sa kaniya...

Lumabas muna ako ng mansyon, at maglakadlakad muna ako dito sa gubat, at dito muna ako magmumuni muni.

Hayyst...What a life... hindi ko naman pinangarap ng ganitong buhay never kong pinangarap ang ganito, mas gugustohin ko pang bumalik sa dati, yung mahirap at simple lang ang buhay yung hindi ko nakukuha lahat ng kailangan at gusto ko, kaysa naman ngayon meron nga saakin lahat sa maling paraan naman.

Tumitig ako ngayon dito sa gubat kung saan maraming bulaklak. Mga wild flower kumbaga, ang ganda sa mata nakakagaan ng pakiramdam.

"Cez!"biglang sigaw ni Ixxy mula sa malayo. Para bang hingal na hingal ito. Kaya naman naglakad na ako pabalik. Ano nanaman ba ang nangyari?

"Cez!" Sigaw niyang muli but this time na sa likod na niya ako.
"Why?" Tanong ko sa kaniya, napatingin siya kaagad saakin punong puno ng takot ang mga mata niya kaya alam kong may masamang nangyari dahil ngayon ko lang ulit nakita ang ganyang pangamba at takot sa mukha niya.
"Si Ne-nef" sabi nito na nanginginig pa. Damn. Nakaramdam ako ng matinding nerbyos habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya, pero hindi ko pinakita na kinakabahan ako.
"Ha-hawak siya ngayon ng Dark Knights" takot na sabi niya.
Para naman akong na estatwa. Paano? Ngayon na ba? Pero hindi pa ako handang makaharap siya.
"At i-ikaw daw gusto nilang makita" dugtong pa nito.

Parang bigla akong napuno ng poot at mapaklang napangiti, well I think ang destiny na ang gumawa ng paraan para magcross nanaman ang landas naming dalawa. At wala na akong magagawa kundi ang harapin ito.

Ixxy's POV
           Bigla akong kinilabutan ng husto sa ngiting ipinakita ni Cez, over 5 years of doing this job ngayon ko lang siya nakitang ngumiti pero imbes matuwa ako at nakita ko ang ngiti niya parang lalo akong natakot sa kaya niyang gawin at kung ano ang dalang panganib ng mga ngiti niyang iyan.

Naglakad na siya pabalik mansyon kaya sumunod ako sa kaniya. Sa ngayon kailangan muna naming pag isipan kung paano mabawi si Nef sa mga Dark Knights. Nagtataka siguro kayo kung bakit natatakot ako sa kanila well dahil sa kadahilanang wala naman talaga kaming balak na banggain ang grupong ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman namin na ang leader ng gang na ito ay ang taong nanakit kay Cez at ang dahilan ng pagbabago ni Cez. Ayaw namin silang kalabanin hindi dahil hindi namin sila kaya, kundi dahil sa kadahilanang ayaw ni  Cez na makonekta pa sa kaniya o sakanila kaya hanggat maaari gusto niyang lumayo sakanila. Pero sila na mismong lumapit, sila na mismo ang gumawa ng moves para harapin namin sila kaya wala kaming magagawa kundi lumaban at humarap sakanila. Pero ngayon sobra akong kinakabahan hindi lang kay Nef kundi pati narin kay Cez sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita, ngayon haharapin niya na ulit ang tao na dahilan ng pagkawasak ng kaniyang mundo. Handa na ba siya??? Kaya na ba niyang harapin siyang muli???Napabuga nalang ako ng hangin dahil saaking naisip.

My UniverseWhere stories live. Discover now