"Them"

13 8 0
                                    

Quaiz's POV
           I'm here in our hideout dito muna kami magpapahinga habang hinihintay ang Quietuses Menace, such a uniqe name of group. Gusto namin silang makaharap dahil alam kong isa sila sa reason ng pagpapalaya saakin ng King alam kong may alam sila sa nangyari kay Cezlly. Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala ko nanaman siya, the way she talk the way she smile and that lovely angelic face I missed her so much. Pero naikuyom ko nalang ang kamay ko knowing that I can't see her anymore, wala na siya and I can't accept it, ang sakit dahil alam kong namatay siya na puro sama ng loob ang nararamdaman, damn I hate myself knowing that wala akong magawa noon,  hindi ako makalaban hindi dahil wala akong laban kundi dahil hawak nila ang kaisa isang tao minahal ko ang taong tumanggap sa pagkatao ko kahit ano ang katauhan ko. She's the best women na nakilala ko she never give up on understanding me and my situation damn ganun niya ako kamahal pero tanging sakit lang ang naisukli ko sa kaniya but I didn't intend to hurt her.

Mahal na mahal ko siya pero kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo na mahal ko siya, hindi na maibabalik nun ang katotohanang wala na siya... Na patay na siya.. Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala ko yung araw ng kaniyang pagkamatay, alam kong hindi simpleng sunog ang nagyari. At hindi niya magagawang magpakamatay hindi!. Hindi ko namalayang may luha na palang tumulo sa mata ko pinahid ko ito ng marahas tanging si Cezlly lang talaga ang nakakagawa ng ganito saakin pag dating talaga sakaniya napakahina ko.

"Xzan" tawag sakin ni Yyvh sakin, tinitigan ko lang siya ng nagtatanong
"Punta ka daw sa Dark World meron doon ang Quietuses Menace hinahanap ka." Sabi niya, napatayo naman ako bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko alam ang dahilan. Lumabas kami agad at kinuha ko ang motor ko at mabilis na umalis sa hideout namin at pumunta nasa Dark World, mag isa ko lang dahil kailangan kong ipabantay sa gang mates ko si Dutchess sakanila, well wala naman kaming masamang balak sakanila kailangan ko lang malaman kung anong totoong nangyari sa condo ni Cezlly nung araw na iyon, kung paano siya namatay at kung nasaan ang King and Queen ngayon dahil since nung dumating ang Quietuses  Menace ay bigla nalang nila kaming pinalaya at naging top 2 sa Dark World na hindi manlang namin namamalayan kaya alam kong may ibang nangyari dito, may lihim silang hindi namin nalalaman.
Napakabilis ng pagpapatakbo ko sa motor kaya after 10 minutes nandoon na ako sa Dark World, nakakapanibago bakit napakatahimik ng paligid? Dito sa Dark World walang katahimikan pero bakit parang walang katao tao sa loob? Pinarada ko na ang aking motor saka ako mabilis na pumasok sa loob
"Grabe nakakakilabot siya yung tindig palang niya parang papatayin kana" rinig ko pang sabi ng guard sa gate
"Oo nga, unang beses ko siyang makita dito at lalong hindi ko inaakalang may isa pa palang mem-" hindi ko na natapos yung sinasabi pa ng isang guard kasi nagmamadali na talaga ako.

At pagpasok ko napakaraming tao sa loob pero mukhang nakakita naman sila ng multo at parang hindi na humihinga aba ngayon lang to nangyari ahh kahit nga si King hindi magawang patahimikin silang lahat aba sa dami ba naman nila more than 5,000 ang members dito sa loob.
Dumeretsyo nalang ako sa paglalakad nang mapansin ako ng ibang members napatingin nalang sila saakin saka bumalik uli ang tingin sa may ring. Dun sa ring doon nagaganap ang laban sa magkaibang grupo, kaya naman napatingin ako sa ring kung saan lahat sila nakatulala dun ko lang napagtanto na may babaeng nakatayo at nakatalikod saakin, sa hindi malamang dahilan bigla nalang tumibok ng mabilis ang aking puso ang tindig niya yung likod niya kaparehas na kaparehas kay Cezlly. Napailing nalang ako sa naiisip ko, sobra ko na talaga siyang namiss miss grabe na ang epekto saakin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa ring, ibang iba talaga tindig niya mukhang hindi siya si Mystic pero kung hindi siya ito, sino to?
Bigla akong nabalik sa katinuhan ng makaramdaman ako ng shuriken na papalapit saakin buti nalang nailagan ko dahil kung hindi dederetsyo ito sa leeg ko!! Napasinghap naman ang lahat sakanilang nakita. Lintek hindi ba niya alam na wala pa yung go signal foul yun!
"Damn" bigla ko nalang na sigaw at masamang tumingin sa kaniya nakaharap na pala siya saakin ngayon at alam kong kahit nakamask siya ay naka ngisi siya. So tama nga ako its not Mystic hindi siya ang kaharap ko pero mukhang mas malakas ang isang ito.
Bigla nalang akong napatitig ng matagal sa mata niya wala itong kahit na anong emosyon pero napakapamilyar nito bigla nalang naman siyang umiwas ng tingin ng mapansin niyang nakatitig ako sa mga mata niya mukhang naiilang siya sa ipinukol kong titig sakaniya. Napangisi nalang ako sa naisip ko ewan ko ba parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My UniverseWhere stories live. Discover now