Prologue

55 2 0
                                    

Prologue

Sampung taon ha, isipin niyo yun sampung taon akong naghihintay, nagtitiis at........nag mamahal.  Ipinakita ko sakanya ang tunay kong nararamdaman, pero wala talaga.....sadyang manhid siya eh, anong magagawa ko, eh best friend niya lang naman ako, side kick, taga punas ng luha niya, taga sabi sakanya na kaya niya, taga sabi ng mag-move on siya, laging nasa tabi niya pag sinaktan siya, parating nandyan para SA KANYA.

Sa kanya na parating iniiwan, sa kanya na parating nasasaktan, sa kanya na parating inaalila yung puso ko, sa kanya na binabaliwala ang mga pagpaparamdam ko, sa kanya na manhid, sa kanya na BEST FRIEND ko, sa kanya na MAHAL NA MAHAL ko.

Pero kahit papano nakita ko siya maging masaya, magmahal at masaktan.  Sinubukan kong tanggalin ang nararamdaman ko para sa kanya, actually maraming beses ko na yung ginawa kaya lang alam niyo kung anong nangyari?......WA EPEK! Mas lalo pang lumalalim ang pagmamahal ko, ang ONE-SIDED love ko!

Sana balang araw, makita niya ako hindi lang bilang bestfriend, sidekick o kung ano pang iba, sana makita niya ako bilang ang babaeng mahal niya, mahal niya na handa siyang gawin ang kahit ano para lang sa babaeng ito, na handa siyang harapin ang kahit na anong pagsubok na daaanan sa relasyon, na kahit na bibitaw na yung isa ay kakapit parin siya at hihilahin ulit ang isa para kumapit muli.

Tandaan mo Lucas John Padilla Buenaventura, na kahit mawala na ang lahat sayo, kahit pumangit ka, kahit tumanda ka, kahit na maging gangster ka, kahit na maging playboy ka, kahit na anong mangyari sayo mamahalin at mamahalin, tatangapin at tatangapin, susuportahan at susuportahan parin kita, kasi minamahal kita.

Letters From Me To You (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon