Story # 1 ~ When I Met You~

400 6 0
                                    

My LoveLife Stories/ Story # 1 ~When I Met You~

Tahimik lang naman ang buhay ko..

Pero nagbago ang lahat..

Mula ng dumating sya..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Chris's Point of View]

Naaalala ko yung mga araw na kinukulit nya ako..

"Chris!! Kumain kana ba?! Sabay tayo! Treat ko!" Sabay hila sa'kin papuntang canteen.

"Hindi ka nakakopya? Oh eto, notes ko." Sabay abot ng notebook nya sa'kin.

"Uy! Uwi kana? Tara! Sabay tayo!" Sabay hatak sa'kin pasakay ng jeep..

Tss.. Lalong nasasaktan ang puso ko tuwing naririnig ko ang boses nya.

Naalala ko yung araw na nagtapat sya sa'kin, sobrang wala ako sa mood noon dahil ayaw kong may humahabol na babae sa'kin. And I don't believe such thing like what they called.., 'love'.

Naglalakad ako noon sa may corridor habang nagbabasa ng biglang may humawak sa uniform ko. Pagkatapos nun, inamin nya ang kanyang tunay na nararamdaman.

Hindi na sya tumigil sa kasusunod at kakulitan mula ng nagconfess sya sa akin. Ang alam nya kasi, okay lang sa'kin.. pero hindi naman talaga. Pero parang nagiging magaan na din ang loob ko sa kanya, habang tumatagal.

Yung araw na naglayas ako sa bahay nang umuulan ng pagkalakas at walang dalang payong. Nagulat na lang ako kasi mayroong taong nakatayo sa harap ko ng nakangiti at basang-basa sya habang pinapayungan ako. At nasabi ko sa kanya ang problema ko.

"Sa buhay, walang taong di nakakaranas ng problema at isa ito sa mga pagsubok sa atin. Kaya tayo binibigyang pagsubok dahil alam nyang mayroong tutulong sa ating lutasin ito at hinding-hindi tayo iiwan, kailanman. Tulad ko, nandito lang ako sa tabi mo palagi." After nyang sabihin 'yun, parang may kuryente akong naramdaman matapos nyang hawakan ang mga kamay ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga sinabi nya.

"Tulad ko, nandito lang ako sa tabi mo palagi."

Napangiti ako. Mukhang okay na nga sa'kin ang lahat..

Kinabukasan, di ko sya nakita sa eskwelahan. Lumipas ang mga araw pero di ko pa rin nasasabi sa kanya. Hanggang sa tuluyan na syang di pumasok. Ewan pero kinabahan ako isang araw matapos kong mapagdesisyunang bisitahin sya at sabihin ang nararamdam ko.

Pero..

Isang di inaasahang pangyayari ang nakita ko.

Ilang araw syang nakahiga sa kama. Taimtim ang itsura nya. Hindi man lang nya sinabi sa akin ang karamdaman nya. Totoo nga ang sabi nila, na kung sino 'yong taong laging aktibo ay may tinatagong problema sa likod ng katauhan nito.Tuwing bumibisita ako sa kanya, naaawa ako. Hanggang sa..

Dumilim ang mga paningin nya.

Sobrang galit, pagkadismaya at lungkot ang naramdaman ko noong araw na iyon. Di ko mapigilang di tumulo ang mga luha ko. Dun ko lang din napansin ang hawak nyang bulaklak, isang sunflower, ang paborito ko. Ito yung lagi nyang dala tuwing magkasama kami. Nagtaka nga ako dahil talagang naghanap sya ng ganoong klase ng bulaklak. Napangiti ako..

Ngayon ako naman ang hahawak dito 'pag hindi na nya kaya. Lagi ko itong dinadala tuwing bumibisita ako sa puntod nya. 5 buwan na ang lumipas mula ng mawala sya..

Lagi ko itong dadalhin tuwing kasama ko sya at dahil alam kong lagi rin syang nasa tabi ko.. Saanman, kailanman at anuman ang mangyari.

After 3 years..

"Iris Dela Vega.. Hindi kita makakalimutan, at hinding hindi ko gagawin iyon.. Pangako." Sabi ko habang nanghihina at hawak ang bulaklak na iniwan nya sa'kin.

Mukhang oras na..

Ng pagkikita namin.

Magsasama na kaming muli..

"Chris.." Dinig kong may tumawag sa akin.

Paglingon ko ay syang isang napakagandang babae na nakingiti ang nakita ko. Ngumiti ako pabalik sa kanya sabay taas ng kanang kamay ko at pagabot sa kanya na ikinatuwa nya..

"Nakalimutan mo.." At muli, ang pagtulo ng mga luha ko. Tears of joy ata. She thanked me, get the flower, hold my hand and walk through.. I don't know where we are going but, I'm sure it will be the happiest journey in my life..

I look at her and smile.,

Salamat. Salamat, Iris. Nang dahil sa'yo, alam ko na ang kahulugan nito..

When I Met You, I knew, that I am the happiest person in the world..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

'You will only know the word Pain, if you know how to love.'
-Christian Mendoza.

Note: Iris, a 16 year old girl na may sakit sa puso. Kaya mula ng sabihin sa kanya ng doktor na may taning na ang kanyang buhay ay ginawa na nya ang lahat ng mga bagay na di pa nya nagagawa. Hanggang sa isa na lang ang natira, isang lalaking magmamahal sa kanya at ganoon din sya. Si Chris, isang lalaking tahimik at walang ibang ginawa kundi magbasa. Pero sa likod nito, ay puno din sya ng problema. Hindi marunong magmahal dahil ayaw nya ring matutunan ito. Pero ng dumating si Iris sa buhay nya, nalaman nyang di kailanman pagaaralan kung paano magmahal dahil kusang nararamdaman ito. Hindi alam ni Chris na oras na pala ng taong napagalaman nyang kanya na palang mahal, at kailangan ng mawala nito. Ilang taon ang lumipas, naaksidente si Chris dahilan para manghina at makasama si Iris, muli. At ng matapos ang lahat, dito pa lamang magsisimula ang kanilang istorya..

_endofstory#1_

[Yey!! Tapos na ang isang story!! Sana nagustuhan nyo po! :D Hindi ito sad ending dahil dito pa lang magsisimula ang story nila. Ang susunod na story ay iba na. New characters and new life na! Thank you for reading and supporting! Hontoo Arigatou ni Minna!! *bow*

P.S, please read my story. Titled: Mai-ANGEL,on going palang sya at kasisimula ko lang ipost. Sana magustuhan nyo din! Thank you ulit! Medyo matagal ang Update:*
-Aya<3]

My LoveLife StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon