Story # 3 ~Wierdo and I~

182 6 2
                                    

My LoveLife Stories/ Story # 3 (last story) ~Wierdo and I~

Sa isang iglap..

Di ko inaasahang magbabago ang buhay ko..

Ng dahil sa kanya.. Ng dahil sa babaeng iyon..

Ang isang tulad ko.. Posibleng magmahal..

Dahil sa kanya..

Kaya ang imposible noon, nagawa nyang posible..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Jeanne's Point of View]

Nakakabagot..

Nakakalungkot..

Napakatahimik. Wala akong magawa. Naisipan ko munang pumunta sa aking kwarto pagkatapos kong kumain. Pagkapasok ay dumiretso ako sa shelf at kinuha ang isang notebook. Huminga ako ng malalim at naupo sa kama ko.

Eto na..

Pagkabukas ko ay isang litrato ang tumambad sa akin. Ako at ang lalaking minahal ko, teka-minamahal ko. Sunud-sunod kong inilipat sa bawat pahinang may litrato namin.

Naalala ko yung una naming pagkikita. Sa park nun habang naglalakad ako, bumili ng ice cream at bago ko pa matikman ay biglang may bumunggo sa akin. Nainis ako kasi nalaglag yung 3 layers ng ube-keso na sorbetes ko. Tapos "tss" lang ang sinabi nya at dire-diretso sa lakad. Natawa ako kasi binato ko sa kanya yung hawak kong apa at sumakto sa ulo nya. Nakabaliktad ang tayo kaya tumulo ang natirang ice cream pababa sa buhok nya. Nagalit sya pero ang sabi ko lang ay,

"Buti nga!! Bleh!" Sabay dila at takbo palayo.

Sumunod na araw ay pumunta ako sa Resto upang magpart-time. Di ko inaasahan na makikita ko sya dun, ulit. Kumakanta sya.. Dun ko lang napagmasdan ang napakagwapo nyang mukha. Nung napansin nya ako ay bigla akong nagtago. Hanggang sa paguwi ko, nalagay sa panganib ang buhay ko. May nagholdap sa akin. Tanda ko mga tatlo sila nun. Syempre di ako makapalag dahil may armas ang bawat isa sa kanila. Pero nagulat ako ng dumating sya.. at sinabing,

"bitiwan nyo ang girlfriend ko.." na medyo cold. Natulala ako pero dun ko din napansin ang kanyang taglay na kapangyarihan. Iniligtas nya ako. Humingi ako ng pasalamat at tawad sa unang pagkikita namin.

"Sorry din. Umuwi kana ,ayokong nakikitang napapahamak ang isang magandang binibini na tulad mo.. Ehem, patawad muli." Tanging sinabi nya at nawala na lamang bigla na ewan, nalove at first sight ata ako kay kuya. Kasi naman, matapos nyang gawing kambal ko ang kamatis ay pinakita pa nya ang kanyang killer-smile na muntikan na atang malaglag ang aking panty at maihi. Siguro dahil di ko sya nakitang ngumiti maghapon sa Resto. Sumunod ang mga araw na nagkikita at nagkakasama kami sa Resto ay ang sungit nya. Oo, lagi. Matapos nya lang akong iligtas noong nakaraan ay nagiba ang pakikitungo nya sa'kin. Ang wierd nya. Siguro kailangan ko ulit maholdap para bumait sya. Wish ko. Pero di ko inaasahan, isang araw ay nahostage kami-mali ako pala ulit.. Buong Resto na ang nadamay..Totoo nga na ang sabi nila na Be Careful what you wish for, It Might Come True. Ewan, natrauma na ata ako nun dahil sa dugo. Takot ako sa dugo. Tama, nabaril ako. Pero naging ligtas ang lahat dahil sa kanya. At sa pangalawang pagkakataon, nakita kong muli ang kanyang kakayahan. Pagkatapos ng nangyari ay kinausap nya ko tungkol sa mga nakita ko.

"May dalawa kang pagpipilian. Ang mabura ang memorya mo o itikom ang iyong bibig.." Syempre, tinikom ko ang bibig ko. Sino ba namang gustong mabura ang memorya kung nandoon ang masasaya lalo na ang nakakatakot na mga pangyayari. Ayoko na ulit manood ng horror story noh! Okay na yung isang beses lang.Halos sa Teddy Bear ko na nga lang nasabi ang lahat eh. Bigay nya sa'kin nung birthday ko. Tama, naging friends kami. Pero minsan ko pa rin syang makitang ngumiti. Wierdo talaga. Pero ako, di ko namalayan na unti unti na pa lang nahuhulog. Di ko napigilan yun at di napigilang di masabi sa kanya. Pero ang tanging sagot nya,

My LoveLife StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon