chapter 1

14 0 0
                                    

"gwapo talaga ni Noah no, kahit pawisan yummy pa ren" bulong ng kaibigan ko na si Gretchen habang pumipikit pikit pa

oo aminado ako gwapo naman talaga si Noah Adais Arcual Morales sino ba naman hindi magkakagusto sa gwapo na mayaman, mabait responsable at higit sa lahat hindi matapobre diba?

"huh? sino yan?" pa kunware kung sabi

"NOAH ADAIS diba crush mo yon dati Mirell?" pasigaw na sabi ni Gretchen

"oh fuck! gretty! anong ginawa mo nakakahiya kang bwesit ka!" bulong ko sabay takip sa bibig ni Gretchen

ng dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko,
ewan ko ba if guniguni ko lang ba yun
saglit na tumitig sa akin si Noah.

"oh shit, tara alis na tayo dito" nagmamadali kong sabi habang kinukuha Isa Isa yung mga nakakalat na papel at libro

habang pauwi na kami, hindi ko maiwasang isipin ang midterm

"sabi ko diba gretty mag aaral tayo?" sabi ko ka Gretchen na nakataas kilay

"nag aral naman tayo ah" sabi naman ni gretchen habang ngumunguso

"aral sa lessons o inaaral mo bawat detalye sa katawan ni Noah?" naiinis na sabi ko

"asus. selos ka lang talaga! aminin mo na nga mirell, ikaw yung nagbigay kay Noah ng blue na love letter nung valentines day no?" sabi nya sabay sundot sa tagiliran ko

"ew, bat naman ako magbibigay ng love letter kung di naman mapapansin ni Noah diba?"

"yaaaa! inamin mo na nga! ikaw yun! alam mo ba? nadinig ko sa kabilang section, yun lang daw ang kinuha ni Noah sa desk nya. nakaka inggit! akin nga hindi ket na napaka daming beads nun, sure ako nag standout yun sa lahat! napaka unfairrr naman! huhu" naluluha nyang sabi

"seryoso?!" pagulat kong sabi

"oo! huhu"

hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Gretchen kanina, akalain mo napansin nya 'yon? di talaga ako makapaniwala

"nay, ano po ang ulam? ako na po dyan at makapahinga na kayo" presinta kong sabi kay nanay

"akalain mo? ano nakain mo anak?" pagulat na wika ni nanay

"grabi ka naman nay, parang naman akong tamad na anak sa sinabi mo, nakakatampo ka nay" panguso kong sabi ka nanay

"oh siya, bahala kana dyan at pupuntahan ko pa tatay mo sa hacienda"

"osige po nay, ingat po kayo" paalam ko ka nanay

habang nag luluto ako, di ko maiwasang isipin muli ang tingin ni Noah saakin, kanina

"kilala nya ba ako?" bulong ko sa sarili

"bat nya tinanggap yung letter?"

"di kaya kilala niya talaga ako?"

"mirell, impossible naman na kilala ka niya trabahador lang ng pamilya niya ang tatay mo sa hacienda nila" paalala ko sa sarili habang umiling iling.

napaka imposible.

Into You. (morales series#1)Where stories live. Discover now