With Her

14 1 0
  • Dedicated kay Alyssa Marie Soriano Cruz
                                    

Ilang daan ang lumipas mula nung nakausap ko yung babaeng iyon. Oo naiinlove na ako sa kanya. Haaaay. Kahit ganun yun na matakaw. Habang nagkukwento ako...

"Ui kuya!" Sabay tabi sa akin.

Paglingon ko yung babae na tina-topic ko pa sa inyo.

"Oh! Musta?" Tipid kong tanong sa kanya.

"Eto ok lang po. Hinahanap ko po yung classmate ko. Hindi na naman nakapasok eh." Sabi niya

"Ahh" ako

"Anong pangalan niyo kuya?" Tanong niya.

"Fievel. Fievel Damian. Ikaw?" Sabi ko kasi di ko alam ang sasabihin ko sa kanya eh.

"North Rose Reyes po." Sabi niya sa akin. Whew astig ng name hah. At dito na kami nag interview sa isa't isa. Pero mamaya-maya...

"Kuya nandiyan na yung classmate ko po. Alis na po ako." Whoo napakagalang niya.

"Fievel na lang itawag mo sa akin." Sabi ko na lang.

"Ok Fievel. Mag-iingat ka." At umalis na siya.

Sana araw-araw na lang na ganito.

Ilang araw din ang nakalipas eh naging close ko yung kaibigan niyang si Alyana. Tinanong ko sa kaibigan niya kung ano ang gusto niyang pagkain, bands, colors, pets at kung anu ano pa. Grabe di ko din aakalain na ang tipo niya sa lalake eh yung gangster type DAW. Pero di din maiiwan ang pagiging maka-Diyos, mabait, matulungin at may respeto. Sinabi din ni Alyana na ayaw muna niyang magkaroon ng boyfriend kasi baka lokohin lang siya at baka umasa lang siya. Ouch! Gagawa na talaga ako ng hakbang. Hahaha. Hakbang talaga eh noh?

Next day, nakikisabay na ako sa kanila pero minsan lang. Pag siya lang kasama ko para siyang bata. Ang gulo niya. Tinatago niya pera, cellphone ko at pati wallet ko. Pero pag magtatanong ako about sa lovelife niya eh no comment. Haaaay. Study first muna daw.

Lagi ko siyang kinukulit at palagi ko siyang sinasama para magsine. Grabe ubos pera ko sa kanya. Pero ok lang, crush ko yan eh.

Pero nagdaan ang araw eh lalong lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya na sa to the point na naihahatid ko siya sa bahay nila kahit na mas malayo pa sa tinitirahan kong apartment. Hinihiram ko dun sa kasama niyang si Louise ata yung name. Basta grabe din kung makaasar eh.

"Uy, Fievel. Nakakahiya naman na hinahatid mo pa ko dito sa bahay. May gusto ka ba sa akin?" Yan ang bungad niya sa akin bago siya pumasok sa bahay nila. I think alam na niya. Natameme ako eh.

"Ok, bukas Fievel isama kita sa may beach. Sige. Bye, ingat ka." Ang bilis ng tibok ng puso ko ahhh.

Umuwi na ako sa apartment. Medyo gumagabi na rin eh.

"RIIIIIINNNNNNGGGGG!!!"

May natatawag ahh. Sino naman ito?

My typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon