21

33 2 0
                                    

Raven's POV

Weeks had passed but Jessabelle's still into the hospital.

I can't visit her because of her parents.

So I'm here silently in pain.

Hoping that one day she'll wake up and the first thing she will ask is me.

But what am I gonna do?

I'm just me, nothing will change.

"Hey bro sama ka samin? Kain tayo sa labas!" Masiglang yaya sakin ni Mike kasama ang nililigawan niyang si Ayesah habang sabay sabay kaming naglalakad.

Agad naman akong umiling sakanya na ikinasimangot niya.

"C'mon bro minsan nalang tayo lumabas, sumama kana." Saad niya pero pinigilan na siya ni Ayesah.

Malalim na napabuntong hininga ito bago ulit ako hinarap.

"Okay bro, text me if you want some friend you'd like to talk to." Saad niya nalang tsaka iniakay na si Ayesah paalis.

Si Ayesah naman ay kinawayan ako bilang pamamaalam habang papalayo na sila nang papalayo ni Mike.

Tama naman si Mike. Minsan na lang kaming lahat na magkasama. At kung magkakasama man kami, walang nagsasalita.

Simula nang mangyari ang lahat ng ginawa ni Agatha kay Jessabelle at sa iba pang mga inosenteng tao ay wala nang nagpapansinan.

Ang daming pinagbago.

Yung madalas na magkasama ngayon ay sina Andra at Renz.

Ayesah at Mike.

Tapos sina Joy at Lanz.

Si Krizia ay nakikita ko nalang na madalas mag-isa at nitong mga nakaraan ay bilang lang sa kamay ang pagsasalita niya. Parang biglang naglaho yung maingay na babae na nakasanayan namin.

Madalas pa rin siyang pagalitan ng Prof. namin dahil madalas pa rin itong nale-late at tuwang tuwa ito dahil hindi na siya sinasagot sagot ni Krizia. Nananatili nalang na tahimik ang babae.

Si Ken? Nah, Hindi ko na din siya pinapansin.

Bakit? Kung hindi naman dahil sakanya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi na niya ginulo pa ang buhay nina Krizia ay walang mangyayari na ganito. Ang daming nadamay nang dahil sa kabaliwan ng babaeng dati niyang minahal. Masyado siyang komplikado.

Napahinto ako nang matagpuan ko ang sarili kong nasa tapat nanaman ng hospital.

Araw-araw pumupunta ako dito at umaasa na sana payagan akong pumasok at makita si Jess pero it ends up na nagagalit lang sakin parents niya.

Bakit kase pinlano mo pang mag out of town ng mag-isa? Tsk pasaway ka talaga kahit na may pasok noong araw na iyon.

Napailing ako sa naisip kong sermon kay Jess at tumalikod na para sana umuwi pero napahinto ako nang may tumawag sakin.

"Raven, right?" Saad ng ginang kaya agad akong humarap sakanya.

"O-Opo." Naiilang kong sagot dahil sa walang emosyong tingin niya.

"Well, I just think that you should know this good news." Saad niya na unti-unting nagpakaba sakin.

Eto na ba yon?

"She already woke up." Saad ng ginang na ikinalaki ng mga mata ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping makikita ko nang muli ang minamahal ko.

KAGAGOALSWhere stories live. Discover now