Chapter 1: At New York

4 0 0
                                    

" You really don't want to come with us?" pilit saakin ni heather, gusto niya kase na sumama ako sakanila sa bar eh ang aga aga pa

" No Thanks,H. it's still early" sabi ko habang nagaasikaso ng Maleta

" But you will be alone today, 5pm is our call time for the farewell party. you would be alone for like 7 hours?" she said, habang inaayos ko ang damit ko para bukas ay tumawa ako at nag isip, tama naman sya eh, 7 hours akong magisa at boring yun.

" Maybe i will go to the Timesquare later, i would like to have a walk before i leave" sabi ko, that satisfies her kaya umalis at nagpaalam na sya saakin

Babalik ako sa pilipinas bukas na bukas, Kailangan kong samahan ang ate ko dahil buntis ito, hindi makakabantay si mama dahil nasa school sya araw araw bilang principal, yung asawa naman nya ay dadating sa ilang linggo pa. Na fire ako sa pinagtatrabahuhan ko dahil nasagot ko ang boss ko at naka assualt ako ng isang staff sa sobrang inis ko. Hindi naman gaano ka big deal saakin yon dahil pang limang kumpanya ko na yon, mas nagtagal ako doon sa naunang dalawa at nakuha lang ako sa pangatlo hanggang pang lima dahil na cast nila ang mga gawa ko sa isang exhibit, maganda sana kaso panget ang pakikitungo saken kaya hindi ko mapigilan ang inis.

tumunog ang cellphone ko at nakita kong si mama yon, malamang kakamustahin nanaman ang pagiimpake ko

" Hello ma?" sagot ko, rinig ko ang ingay sa background, malamang nasa bahay sina auntie jes at ang iba pa dahil sa balita na uuwi ako

"kamusta nak? andito nga pala ang mga tita mo at pinsan kase nalaman nila ba uuwi ka, matutulog sila dto. siguro sa Makalawa pa sila uuwi" sabi nya

" Mabuti naman para may kasama kayo dyan, si Ate?" tanong ko

" Ayon sa kwarto nya umiiyak paden, hindi nya daw matangap na uuwi ka agad dahil sa kamalian nya" sabi ji nanay na halatang problemado

" Ayos lang yon pakisabi sakanya, na patalsik din naman ako sa trabaho eh, sure ako madaming company ang tatangap sakin dyan dahil sa experience ko dto sa New York" pag papagaan ko sa pakiramdam ni nanay

" eh paano? kelan ka mag aaply dto?" tanong nya at pansin kong tumahik ng onti, lumabas siguro sya.

" Siguro kapag dumating na ang requirements ko dyan, nauna ko ng ipadala kaya baka sa pagdating pa ng asawa ni ate ako mag aaplly, pero hahanap muna ako ng raket dyan para may pang gastos ako" sabi ko

" Eh iha anong trabaho mo ba?" tanong ni tita, nakikinig pala sila sakin

" Artist ho, sa mga trabaho ko dati isa po akong Executive Designer, ako po yung nagdedesign ng product nila" Sabi ko, sa tingin ko alam ko na ang susunod

" Eh magkano ang sahod mo?" sabi ko na eh

" 60,000 po per month" sabi ko may itatanong pa sana si tita kaso inagaw na ni mama ang phone

"Nag-aayos ka na ba ng bagahe?" sabi nya kaya umoo ako, nagkamustahan pa bago ako magpaalam at ibaba ang tawag. Nag ayos nalang ako papunta sa Timesquare mamaya. hindi ako masyadong nag ayos dahil ayaw ko ng na-eexpose ang muka ko sa make up.

Pag dating ko sa Timesquare, maramirami narin ang tao, kahit na 10:00 palang ng umaga alam mo ng busy ang mga tao dito. Nagpasya akong kumain sa isang Filipino Resto dito dahil hindi pa ako ng uumagahan ng may mapansin ako, isang lalakeng hirap sa pag basa ng map, narinig ko syang nagmura ng tagalog kaya sure akong pilino sya. Nilapitan ko sya.

" Isipin mo muna kung san ka pupunta bago ka tumingin sa mapa" saad ko, gulat naman syang napatingin sakin bago ngumite

" Salamat" sabi nya at tumingin uli sa mapa, sa sobrang curious ko ay nagtanong na ako

" San ka ba pupunta?" tanong ko, nagulat naman sya don

" Sa Timesquare" sabi nya Kaya natawa ako ng bahagya bago sumagot

" Nasa Timesquare ka na" sabi ko, nagitla naman sya at napakamot sa ulo

" I mean sa Berlin Restaurant, Philippine Resto sya" sabi nya at natungo, muka syang tensyonado

" Malapit lang yun dto, dun din ako pupunta. Gusto mo sabay na tayo?" alok ko, walang anong tumango naman sya. Maya maya oa ay naging instant Tour guide ako, sa mga nadadaanan kase namen hindi ko maiwasan na sabihin sakanya kung ano yon

" Fisrt time mo ba dto?" tanong ko

" Oo, business trip" ang ikli naman sumagot, tinanong ko kung anong pangalan nya, Travis Hernandez daw tinanong nya din yung aken.

" Andito na tayo" sabi ko habang nasa tapat kami ng isang resto na ancient at pinoy na pinoy ang style

" Thanks, kaibigan ko ang may ari nito. Tara na" aya nya, tumango ako at pumasok sa loob, sobrang ganda ng ambiance nito, pinoy na pinoy

" Travis! ang tagal mo naman brad" sabi ng lalake na umakbay sakanya, sa tingin ko sya ang may ari nito

" Naligaw kase ako eh, by the way this is Jorja, tinulungan nya ako mahanap ito" pagpapakilala saken ni Travis, ngumiti at nagpakilala naman sya

" Nice meeting you Jorja, tara kumain na tayo" sabi nya.

napagalaman ko na isa palang Lgbt si Ryle, kaya sya andito sa New York dahil hindi sya tangap ng magulang nya, Berlin is a combination of his parents name, Belinda and Bernard. Sweet noh?

Pagkatapos kumain ay napilit ako ni Travis na itour pa sya dto sa Timesquare, hindi na ako umangal dahil wala narin naman akong gagawin, napag pasyahan namin na bumili ng kape sa Starbucks at mag ikot ikot

" Ilang Years ka na dito sa NY?" tanong nya sa kalagitnaan ng paglalakad namen

" 8 years? or mag 9. Lumipat ako dto nung 15 ako eh" sabi ko, muka namang syang nakatanga

" I mean, dito na ako nag start ng collage, maaga kasi ako nag aral kaya 14 palang graduate na ako ng highschool. tapos napansin nila yung mga art na ginawa ko kaya dto ako nag-aral. Tapos naging executive designer ako ng limang kumpanya" kwento ko, muka namang nagets nya kaya ako naman ang nagtanong

" Ikaw? anong business mo dito?" tanong ko tsaka kumagat sa Churos

" Advertising Company, Furniture Company. Basta madami, buti nga iisa lang yung bansa na may meeting kundi hassle ako

" Si Ate Hally ang nasa Furniture Company pina sabay nya lang sakin kase pupunta narin naman daw ako kaya sinabay ko na sa business ko" sabi nya, mabait naman pala sya

Nag libot at nag bonding kame pag tapos, nakakalungkot lang kase baka hindi ko na sya makita uli after nito, uuwi na akong manila at impossible na makita ko sya uli

4:30 na at nasa tapat na ako ng bus station, hinatid ako ni Travis

" Uh... Should we meet again?" takang tanong nya

saktong malapit na ang bus ko kaya ngumite ako sakanya, lumapit at Hinalikan ko sya sa labi, tumagal yon hanggang sa narinig ko na huminto ang bus

" This Shouldn't mean something, we are parting wats anyway" sabi ko at sumakay sa bus, naiwan naman syang nakatanga doon at hindi malaman ang gagawin

Meet me at Manila Travis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet Me, at ManilaWhere stories live. Discover now