Isang malaking mansion ang natatanaw ko ngayon at dito sa kinakatayuan ko ay tumataas na ang mga balahibo ko sa kakaibang presensiya na nararamdaman ko. Habang pinagmamasdan ang isang mansion na nababalot sa itim at makalumang materyales na kagamitan. Kaya kahit isang architect ako ay hindi ko masasabing gawa ito sa kahoy o sa semento basta mukhang ibang materyal ang ginamit dito. Pero hindi iyon ang pinunta ko dito, napadpad lang ako sa isang syodad na maraming kakaibang nangyayari dahil pati ang mamamayan dito ay kakaiba. Mukhang nasa ibang panahon ako at ito ang makalumang panahon. Di ko alam kung anong panahon ang napuntahan ko, natatandaan ko lang ang pangyayaring papunta na sana ako sa gusaling aalokan ko sana ng ideas ko para sa kompanya pero natigilan ako nang biglang nakita ko ang isang parke na may pagkakahawig sa isang syodad na maraming gusali't bahay. Pero ang pagtataka ko ay iba ito sa nakikita ko sa nandirito naa syodad nakagisnan ko.
Sa paglilibot ko sa lugar na iyon may biglang kumausap saakin. Isang matanda na nasa upuan malapit sa gate ng parke kung saan ako nakapasok sa lugar na 'to.
"Hijo mukhang naliligaw ka yata dito?" nagtatakang tanong ng matanda habang pinipilit na tumayo sa kinauupuan nito, kaya bago ko pa man masagot ang tanong nito ay inalalayan ko na siyang tumayo para di na siya mahirapan pa. "Salamat hijo." papasasalamat nito.
"Opo walang anuman po. Pwede po bang magtanong?" pormal kong tanong sa matanda.
"Ano yun hijo?"
"Ano po bang lugar 'to? At bakit po ganito na lang ang disenyo ng mga bahay pati gusali dito? At iyong mansion po" nangingilabutan kong tinanong uli ang matanda habang nakatitig sa mansion na nasa harapan namin. Hindi ito gaanong kalayo at hindi rin ito gaanong kalapit pero kapag nakikita mo ito ay mukhang lumalapit ang tingin ko rito. Kaya kahit anong isipin ay mukhang haunted Mansion nga ang nakikita ko.
"Ang iyon ba hijo?" turo ng matanda sa direksiyon na kung saan nakatayo ang malaking mansion na tinutukoy ko."Pag-aari namin yan ng yumaong asawa ko kaya ganyan na lang ang disenyo ng mansion. Bakit hijo natatakot ka ba?" nag-alalang tanong ng matanda saakin.
"Ako po natatakot! Hindi po!" Gulat na gulat kong sagot habang iniiba ng direksiyon ang mga mata ko. Pero ang mas kinagulat ko nang biglang lumapit na bata sa likuran ko at dahil sa gulat nasigawan ko ito.
"Anak ng mansiyong nakakatakot!"
"Sabi na nga ba Lola natatakot itong lalaking 'to!" nakapang-asar nitong sumbong sa matanda.
"Clara andiyan ka palang bata ka!" paninitang sabat nito sa bata kasabay ay hinawakan nito ang bata ng mahigpit sa kaliwang braso nito kaya nasasaktan ito.
"Masakit po Lola! Pwede po bang gagaan-gaanan niyo po ang pagkakahawak saakin!" pagmamaktol nitong sagot sa matanda. At ilang sandali lang ay biglang napatitig ako sa batang hawak hawak ng matanda. Kaya nais ko itong makausap para tanongin ito.
"Bata." tawag ko sakanya.
"Wag mo 'kong tawag-tawaging bata! May pangalan ako, di mo ba narinig tawag saakin ng-" naputol na lang ang sinasabi nito habang pinipingot ang tenga nito ng Lola niyang inis na inis sa inaasta nito.
"Clara! Saan mo ba natutunan yang ugaling yan?! At bakit ganun na lang ang inaasta mo sa kausap mo! Di mo ba alam na mas matanda yan sayo!" saway ng matanda sa bata habang kinukurot ang tenga nito.
"Aray! Ang sakit po Lola!"
"Yan lang ang nababagay sa sutil na batang kagaya mo!"
"Opo, opo! Magiging magalang na po ako!" Makatapos nang pakikimakaawa nito sa matanda ay binitawan na niya ang tenga ng bata at kasabay nun ay nagbigay tawad ito sa ugali niya kanina at alam niyang masama iyon kaya pinagsisihan na niya ito. Ngunit sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay may naalala ako bigla, yung para bang nakilala ko na siya noon kaya ganito na lang ang titig ko sa bata. Gusto ko sanang tanungin siya pero baka magulat ito at mapagkamalan pa akong masamang tao.
"Kuya, may dumi ba sa mukha ko?" Takang-taka nitong nakatitig na rin sa mga mata ko. Kaya nabuhayan ako at gulat na gulat sa tinanong nito.
"Ahh wala! May naalala lang akong kamukha mo." sagot ko sakanya.
"Ahh ganun po ba?"naiilang nitong sabi.
"Hijo nakalimutan ko palang ipakilala ang sarili ko at itong apo ko." sabi ng matanda.
"Ako si Clarita Floresca Perez!" Masigasig nitong pagpapakilala saakin.
"Ako nga rin pala si Amenda Laurel Perez tawagin mo na lang akong Lola Amenda, ikaw hijo anong pangalan mo?" pagpapakilala nito sabay abot ng kamay niya.
"Ako nga po pala si Apollo Lucas Hernando tawagin na lang po ninyo akong Pol. At maligaya po akong makilala kayo." magalang kong bati sabay kuha ng kamay nito at nakipagkamayan.
Matapos nun ay kaagad nila akong pinatuloy sa mansiyong kinakatakutan ko. Sa umpisa nag-aalangan akong pumasok pero nung nakita ko ang loob ay kusa na akong pumasok at napatulala sa ganda ng nakikita ko.
May malaking chandelier ito malapit sa sala kung saan may dalawang mahaba na sofa at isang malaking mesa na parehong nakabalot ng pulang tula na nagbabagay sa paligid nito. Na may malagintong sahig. Oo nga isa nga itong mansion at hindi ito nakakatakot kundi ang ganda kung sa pumasok ka sa loob nito. Mahahalintulad ito sa palasyo ng Malakanyang dahil ang ingrande at malahari at Reyna ang nakatira dito.
"Kuya Pol ano sa palagay mo? Nakakatakot ba?" nangingisi nitong tanong habang nagmamayabang saakin. Na sakatunayan ay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Inaakala kong panaginip 'to pero totoo nga, ito yung-
Naputol na lang ang aking sinasabi saaking isip ng biglang hatakin ako ng bata na 'to papunta sa hagyanan kung saan nakita kong naglalakad pataas si Lola Amenda kaya wala akong nagawa kaya nginitian ko ito habang si Clara ay patuloy nga sa paghahatak saakin pataas. Matapos nang nakarating na kami sa ikalawang palapag ng mansion ay nabigla ako nang natigilan ang isang kwarto na punong-puno ng kadena at kandado na nakasabit dito. Di nga ako nagkamali ito yung lugar na napuntahan ko noon. Di ko maalala kung ano o bakit ko ito naalala pero may nararamdaman akong kakaiba mukhang pamilyar ito sa nakikita ko gabi-gabi. At sa kada detalye ng loob ng mansion ay nahahalintulad ko sa lahat na papanaginipan ko. Sa kada oras na palagi kong kasama ang batang ito nararamdaman kong may ugnayan kami sa isa't isa hindi ko mapaliwanag kung ano ito pero naalala kong nakita ko na siya.
"Isa ka bang tao sa kasalukuyang panahon?"
YOU ARE READING
Anyo
HorrorIsa ito sa pinakamahalagang detalye ng isang tao ang anyo, diyan tayo binabase ng iba kung ano o sino tayo. Pero papano na lang kung mawala ito? Saan ba tayo babasehan sa pagiging inosente ba natin o sa pagiging masama? Hindi natin alam kung papa...