-

20 2 4
                                    

"Huwag ka riyan. Monday na monday eh. 'Pag ikaw nahuli, 'wag mo 'kong ma 'Heav' 'Heav' ha." Pagbabanta ko sakaniya.

Ngunit tinuloy niya pa rin ang pagbuga ng usok mula sa nakasindi niyang sigarilyo.

Nandito kami sa 'tagpuan' namin. Sa parte ng university na walang masyadong tao.

Maaliwalas at mahangin dito kaya rito tuwing breaktime o 'di kaya'y walang professor.

Okay na sana 'yung simoy ng hangin kaso itong si Everett, naninigarilyo kaya wala rin.

Lagi ko siyang kasama sa anumang bagay. Sa apartment, sa school, sa part time job namin sa may carinderya, at lalo na sa bisyo niya.

Patuloy lang siyang naninigarilyo at para bang hindi ako narinig kanina. Kaya naman, sinuway ko uli siya.

"Hoy! para kang tanga, maamoy nila iyan sa room, Everett! Ang kulit kulit mo, tigilan mo na 'yan. Lagot tayo sa professors."

Finally, nagsalita na siya.

"Heav, alam mong ito lang ang nagpapakalma sa'kin. Nakakabadtrip kasi 'yung kabilang gang. Biruin mo, susugod saamin tapos mga bayag din nila aatras? Nahiya kaming babae sakanila." Pagsasalaysay niya.

"Tapos ito pa," Tinuro niya ang baba ng kaniyang labi kung saan may pasa.
"How dare them dare us like a dairy milk— char. Ito! Ginawa nila sa napakaganda kong mukha, Heav. Makatarungan ba 'yon?!" Pagrarant nanaman niya.

"Luh, hangin ah. Tinatangay ako." Pang-aasar ko pa.

"Boba, tinatangay ka kasi payat ka, 'di dahil sa sinabi ko." Umirap pa si gaga. Luh, ganda ka girl?

"Fine, take your victory. Ubusin mo na nga iyan. Tagal tagal eh! Late na tayo sa next subject." Pangungulit ko pa.

Kahit kinukulit ko siya na tigilan o bawasan ang bisyo niya, alam ko sa sarili ko na hindi niya magagawa iyon. Tulad ng sabi niya kanina, 'yon lang ang nakapagpapakalma sakaniya.

Magmula noong kinuwento niya sa'kin kung paano siya inabuso, tinakwil, at pinalayas sa bahay nila.
Kaya alam ko kung bakit ganiyan ang paborito niyang 'past time'.

After some minutes ay naubos niya na rin ang kaniyang sigarilyo. Napagpasiyahan namin na pumunta na sa room dahil malapit na rin magtime.

Pagdating namin sa room, nagparinig nanaman ang bratinellang si Ella.

"Amoy nanamang tabako rito, kahit man lang magpalit ng damit 'di niyo kaya?" Tinasaan niya pa kami ng kilay.

"Luh, sinasabihan mo ba kaming amoy usok?" Pag-uyam ni Eve sakaniya.

"Oh! Buti naman nakaramdam at nakaamoy ka na?" Kalmadong sabi ni Ella kahit alam kong pinipigilan niya mag walk out.

'Di ka pa nga namin tinatarayan, halos masunog na buhok mo sa init ng ulo mo.

"Hindi naman, sadyang mayroon talaga akong radar sa mga may pekeng—" Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa at bahagyang tumawa.

"Uh, pekeng kilay pala. Noong peke ba 'yung kilay mo, nagreklamo kami? hindi naman 'di ba? kaya tumahimik ka riyan at baka burahin ko iyang kilay mo." Pang-aasar ko pa.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Ayan kasi, pabida masyado. Charot!

Dumating na ang professor namin at nagstart na rin ang discussion. 'Di ako inaantok pero 'di rin ako active sa klase. Tama nang nakikinig ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cigarette.Where stories live. Discover now