#HIHPrologue
"Anong nangyari, hija?"
Pinunasan ko ulit ang aking mga pisngi at tumikhim. "I'm so sorry, Father. Ang hirap lang talaga para sa akin na isipin ulit 'yung nangyari sa akin noon."
"It's alright. Take your time," malumanay na sagot nito sa akin.
Huminga ako nang malalim, dahan-dahang pumikit at ibinulong kay Father ang aking mga pinakatatagong sikreto.
Narinig ko ang mahinang pag-singhap niya. Sa pagkakagulat niya ay nakakuha ako ng lakas ng loob magpatuloy sa aking kwento. Para bang isang validation ang hatid sa akin ng kanyang reaction, na hindi dapat ito nangyari sa akin... sa kahit kanino. Na wala akong maling ginawa, ang sarili kong ama ang may kasalanan, hindi ako.
"Alam ko sariling mga kasalanan ko dapat ang sinasabi ko, pero ito 'yung gustong kumawala sa dibdib ko," paliwanag ko sa kanya, sa taong sumasalo ngayon ng aking mga sikreto.
"I'm so sorry, Father. I'll do better po."
Ngunit hindi siya sumagot. Parang nawalan ng tao sa kabilang bahagi ng confessional box.
"Father? Are you still there?"
Inangat ko ang aking ulo at sinipat kung meron pa rin ba akong kausap... Nakita kong nandoon pa rin siya, nakayuko at para bang nagdarasal.
Hindi ko kabisado ang patakaran ng tamang pagkukumpisal kaya wala akong ideya kung gaano kamali ang ginawa ko at kung paano ako uusad para matapos na ito.
Tinibayan ko ang loob ko at nagtanong sa kanya. "Father? Will I receive the Lord's absolution?"
"Yes..." sagot nito, bahagyang garalgal ang boses.
Nakahinga ako nang maluwag. Magpapasalamat sana ako sa kanya nang ako ay kanyang unahang magsalita muli.
"But your father, he will receive something from us, too."
Napatingin ako ulit sa screen na pumapagitna sa aming dalawa. Sinipat ang mukha niya at nakitang nakaangat na ang kanyang ulo pero hindi ko pa rin maaninag ang kanyang hitsura. Pero isa ang sigurado ako, nakatitig siya sa mukha ko.
Hindi ko pinansin ang pagtitig niya sa akin. Mas bumagabag sa akin ang sinabi niya.
He said my father will receive something from... them... us.
U–Us? What does he mean by that? Sinong 'us' ang tinutukoy niya? Ang simbahan?
Napilitan akong magtanong sa kanya para malinawan. "What will my father receive?"
Tumikhim siya bago nagsalita.
"Hellfire."
Nanigas ako at nangilabot dahil sa pag-iiba ng boses ni Father... mas bumigat at lumalim. At parang sirang plaka, paulit-ulit na umalingawngaw sa loob ng kumpisalan ang sinabi niya.
"Hellfire delivered by the Horsemen."
YOU ARE READING
Heaven In Hiding (Horsemen Series #1)
RomanceIs there ever real freedom from the sins we committed when we choose to bury and forget them? They say freedom really begins the moment you have nothing to hide. But what if there's freedom in hiding? What if I wanted to stay where my sins are? Wha...