Nagtext sakin bestfriend ko.
From: BFF <3
Psst! Inuman tayo! Punta ka house ha? :)
To: BFF <3
Sige! :D
Dali dali na akong nagbihis at pumunta na.
Pagpunta ko dun. Ako palang andun. Tapos tinawag niya ako na nakangisi. Anmeron sa babaeng to? O_o
"Uy. Papunta din dito si Christian" Sabi niya... Tekaaa.
"Whaaaaat?!?!" Sigaw ko. Whhyyy. Nakakahiya yun!
Andaming pinag-gagawa tong bestfriend ko! T____T Kakahiya lang. Eh kasi naman. Crush ko yuuuun (__") Everytime na nagkakasalubong kami sa hallway, kumakaripas ako nang takbo. Haaay nakkoooo namaaan!
"Eh teka! May plano ako!" Ngising-ngisi na sabi niya. -___-
"Eh ano?" Pagtataray ko.
"Ganto.. Diba mag-iinuman tayo? Magkukunwari kang lasing. Oo. Haha. Tapos aamin ka na. Oh diba? Para mas madali tapos masabi mo lahat. Okay ba yun?" With matching taas-baba ng kilay niya.
Tinutulungan niya kasi akong makaamin kay Christian. Kaso lagi niyang kasama yung Adrienne na yun. At tsaka wala kong guts. T____T
Ngumiti na lang ako. "Okaay."
Di nagtagal, dumating na yung barkada. Kasama si Christian =____=
Di ko magawang tumngin sa kanya. Kaloka lang. Ang gwapo niya kaseeee. Takte >_< Ang tangos pa ng ilong niya. Tapos killer eyes. Tapos nakakalokong ngiti. Haaaaaaysss T___T
"Oh Christian!" Sigaw ng bestfriend ko =__= Nagpaparinig tong gagang to. Huhuhu.
"Pinilit kasi ako nila na sumama kaya andi--" -Christian
"Naah. Okay nga yun eh!" Sabay tingin saken. Anuveeey best! Wag ka ngang magpapahalata. Masasapak kita eh! T__T
"Ah. Haha. Sige. Salamat." Sabay ngiti. Mygaaaaaaad. Wag ka ngang ngumiti baka ako mahimatay nitooooo.
"Okay. Lets start!" Sabi ni Gean.
Kaya ayun nag-inuman na nga. Nakakailang. Nasa harapan ko siya. Di magawang umangat ng ulo ko. Huhuhu. Anu baaaa. Nananadya ba sila? Bakit parang may alam yung lahat ng barkada T__T
Spin the bottle. Yeah. Yan ang nilalaro namin ngayon. And this time "LASING" na kuno ako. Ilang shots na din yun. Masakit na nga ulo ko. Pero pipilitin kong di mawala sa sarili ko.
"Oooyy. Hahaha! I think it's your turn." Sabi sakin. Ay. Sakin na pala. Anobayan.
"Okay. Ako magtatanong!" Sabay tawa ng bestfriend kong loka-loka.
"Sino crush mo dito sa atin? Dito lang ha." Sabay kindat. Tutal lasing na kuno ako. Eto na! Huuuu!
"Yun" Sabay nguso kay Christian. Eh. Halatang nagulat siya. Pero nakakahiya. Haay. Nasimulan na eh. Kaya tapusin na!
"A-ako?" Tanong ni Christian.
"Oo. Hahahaha. Oy! Ito ang una nating pag-usap. Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon? Nagtatatalon tong puso ko" Sabay turo sa may puso ko. Ehh! NAKAKAHIYA NAAA!! >__<
"Hehe. Faye lasing na tong kaibigan mo." Sabay sabi niya sa bestfriend ko. Anooobaa! Haay nakooo.
"Ha? Ako lasing? Haha! Hindi pa ako nalasing noh! Usap tayo duun. May sasabihin ko sayo. Sige na Christiaaan." Sabay hila sa braso niya. Dug dug. Dug dug. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shemaaay. Nahahawakan ko muscles niya! Ay ano ba! Ang manyak lang.
Sumunod naman siya...
"Oh ano sasabihin mo?" Sabi niya. Nasa may sala kami ngayon. Kami lang dalawa.
"Naalala mo ba nung nasa fountain tayo?" Nakakahiya yung moment na yun! SOBRA!
*FLASHBACK*
Nasa fountain ako. Nag-iigib ng tubig. Kasama si Faye. Napag-utusan ni Prof eh. Ginawa akong utusan. Kaloka laang!
"A-andito si Christian" Sabi ni Faye habang kinakalabit ako.
"O-oo nga." Natataranta ako. Eh di pa ako tapos mag-igib. Kumaripas ako ng takbo. Ramdam ko kasing papunta siya sa fountain.
*Boogssh*
"Araaaaay" Nadulas ako. Huhuhu. Ang saket ng pwet ko. Nakuuuu. Araaaaaay.
Tapos pagdilat ng mata ko, nakita kong papunta si Christian sakin pati mga kaibigan niya.
Kaya tumakbo ako ulit at hinila si Faye.
Nakakahiya kay Christian!! Nagmukha akong timang, Praning lang =__=
*End of flahback*
"Ah. Hehe. Oo. Yung nadulas ka? Tapos--" Ay! Ano ba.
"OO. Oo." Sabi ko. Ayokong ipagpatuloy niya eh. Kakahiya! SOBRA SOBRA!
"Wala ka bang nahahalata dun?" Sabi ko habang nakayuko.
"Nahihiya ka ba nun? Or takot ka sakin?"
"Hahahahahah! Ang manhid mo!!! Nakakainis kaaaa!" Sabi ko ng nakasigaw. Ang OA ko lang! Naiiyak ako. Shemssss.
"Ha?" Sabi niya.
"Ang manhid mo! SOBRA! Ilang injections ng anesthesia ba ang tinurok sayo? Ang manhid mo!!!!" Sabi ko habang naiiyak.
"Gusto kita Christian! Di mo ba nahahalata?" At this time umiiyak na talaga ako. Huhuhu. Ano ba to.
"Nakakaramdam ako ng selos pag kasama mo si Adrienne" Sabi ko ng nakayuko. Pero umiiyak pa din.
"Eh. Bat ka naman magseselos?" Yun bang tono na.. Ewan! Di ko maintindihan ang tono niya nung pagkakasabi niya sakin.
"Sabagay.. Wala naman sinsabing "TAYO" para magselos diba? *Sobs*" Shet! Naiiyak na talaga ako.
"Gusto kita Christian! Gustong gusto kitaa. Huhuhu." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Lasing ka na" Sabi niya. YUN LANG?! Naiiyak tuloy ako lalo!!
"Oo lasing ako! At alam nating lahat na ang lasing hindi nagsisinungaling!! Christian. Akin ka nalaang. Christiaaan." Sabi ko. Gusto ko siyang paghahampasin. Pero di ko magawa.
"Sorry. May girlfriend na ako" 5 words. 5 words lang ang dumurog sa puso ko. At dahil sa sinabi niya lalo akong umiyak. Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
"Sino?! Si Adrienne ba? Ha?! Yun ba? Sabihin mong hindi Christian. Please" Sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya.
"Oo. Siya" Waaaah!!!! Huhuhuhu. Ayoko nang mabuhaay.
At dahil sa sinabi niya. Umiyak ako ng umiyak ng umiyak. At patuloy siyang nagsosorry. Ewan ko ba!
Akala ko aamin din siya gusto niya ako. Parang teleserye. Pero hindi. Pangarap ko lang siya. Akala ko yung lovestory namin parang Crazy Little Thing Called Love. Na kami din ang magkakatuluyan. Siguro masyado lang akong ambisyosa Haay nakoo.
Ako nga pala si Anne. Umamin. Nasaktan. Nagmahal lang naman ako. Bakit ganito pa ang isinusukli?
-----------------------------------------------------------------------------------
PLEASE do VOTE, COMMENT and be a FAN of mine =D Lovelove! <3 :*
YOU ARE READING
REJECTED (One-Shot)
Teen FictionUmamin lang naman ako. Bakit ako pa ang masasaktan? Kasalanan ko din naman eh. Masyado akong ambisyosa :(