Chapter 5:Paratang

1 0 0
                                    

Pagkatapos ng pagdiriwang natulog na ang lahat.
Pero lingid sa kaalaman nagpaplano si Amalaya kung paano niya papatalsikin si Azeneiah sa trono at para mawala na sa landas niya ang kaniyang kapatid.

Kaumagahan naglibot-libot si Azeneiah sa kaharian at pumunta  sa House of warriors para turuan ang mga batang celts na sa pakikipaglaban ay dapat walang takot sa puso at buo ang tiwala sa sarili at maging handa sa lahat ng pqgkakataon at mabilis ang pag-iisip at ang paggalaw para laging handa sa pag-atake ng kalaban.

Higit na makakatulong ang mga bagay na ito sa inyong mga kakayahan at mapalakas ang mga kapangyarihan niyo at tandaan niyo na walang namamatay na mandirigma na hindi lumalaban at namamatay tayo ng may dangal.
Yun lang ang ating kailangan para marating natin ang rurok ng tagumpay at higit sa lahat ay may pagkakaisa tayo sa bawat laban."Naintindihan niyo ba mga bata?sabi ni Azeneiah. "Opo,master" sagot ng mga batang celts.
"Okay magsanay na kayo".
Sinusundan ni Amalaya Si Azeneiah sa lahat ng kaniyang pupuntahan at tinuluyan na nga itong kinontrol ang isipan ng kaniyang kapatid sa tulong ng Hangin.At sumunod naman si Azeneiah dahil nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ni Amalaya. Kaya si Azeneiah ay pumunta sa Quadro plaza at pumunta ito sa sikretong lagusan na salamin.Sa Sandaling iyon ay pumunta si Amalaya kina haring Azor at Queen Eleanor para isumbong si Azeneiah dahil pumunta rito sa ipinagbabawal na lugar.

Agad-agad silang pumunta sa Quadro plaza at mabilis na nakarating sa tulong ng kapangyarihan ng seahorse na kayang magteleport.At naaktuhan si Azeneiah na nasa Quadro plaza at kaharap ang lagusan kaya naparusahan si Azeneiah at tinanggal siya sa trono.
Sa kabila ng ito,nasa ilalim ng kapangyarihan ni Amalaya ang mga celtenians pati na rin ang mahal na hari at reyna.Kaya nqgdesisyon ang kaniyang magulang na ipatapon si Azeneiah sa mundo ng mga tao.Dahil ang batas ay batas sinoman ang susuway dito ay mapaparusahan pero habang nagpapaliwanag si Azeneiah ay hindi siya pinakinggan.

Nanlumo si Azeneiah at tuluyan siyang nawalan ng pag-asa dahil agad-agad naniwala ang kaniyang mga nasasakupan sa ibinibintang ni Amalaya.

Kaya napagdesisyunan ni Azeneiah na umalis nalang sa kahariang kelts kahit wala siyang alam na kasalanan niya ito.Napagtanto niya na darating din ang araw na malalaman lahat ng mga celtenians at ng kaniyang magulang kung sino talaga ang tunay na salarin.Pumunta na siya sa lagusan .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Princess Of The Sea"Where stories live. Discover now