Sabado ng umaga . . .
Nagising akong may ngiti sa aking mga labi, 1 year anniversary na pala namin ni Alex. Napakabilis ng araw, parang kailan lang ng magsimula kami pero bago yun magpapakilala muna ako. :)
Ako nga pala si Archie de Vega, 19 yrs old at isang graduating student. Matangkad at maputi pero may pagka singkit ang mata kahit di naman ako chinese :) at oo isa akong bisexual alam ng barkada at tanggap nila ako kahit ganito ako at mahal na mahal ko sila dahil dun dahil sa kabila ng pagiging bi ko e di nila ako iniwan. Si alex? Siya naman ang boyfriend ko kasama din sa barkada. Alexis Chua ang buong pangalan niya at tulad ko 19 at graduating student din siya at kasama sa barkada.
Kabilang pa sa barkada ay si Marko, Devin, Chad at Nick. Kaklase namin sila at graduating din pero lahat sila straight pati si Alex pero tanging kami lang ni Alex ang walang syota pa at ang apat na mokong ay meron ng kanya kanyang mga girlfriends.
BINABASA MO ANG
30 Days Deal! (BxB)
Teen FictionThis is a BxB story so kung ayaw mong basahin edi wag na haha. I have many stories in line pero i've decided na ito muna ang unang ipublish ko dito. And pasensya na kasi unang beses kong magsulat ng bxb story. I just tried my best. Happy reading :)