First Part -(Hello)

34 2 0
                                    

First of all guys puro narration lang po ito ang nagkukwento lang yung girl.
Yun lang thankyou! Hope you like it.

HER's

I remember the day since we've met.

And the day when I say Goodbye....

- - - - - - - -
Kriiiiiiiiiiiiing!!!

Napabangon ako sa tunog ng alarm clock ko.

Tsk! Ganito ang buhay may trabaho. Hindi pwedeng tamarin bumangon dahil bawal malate sa company. Unlike school days na pag nalate ka ay papagalitan ka lang ng prof mo pero ngayon...3 late lang pwede ka na matanggal sa trabaho.

Haaays inaantok pa ako.

Bago ang lahat ako nga pala si Angeline Camille Dela Vega "Anca" for short yan ang palayaw ko dito sa bahay pero sa office "Angel" ang tawag nila dahil daw sa mala anghel kong mukha. Sus if I know binobola lang nila ako para malibre ng lunch.

Actually kami may-ari ng company kung saan ako nagta-trabaho. Pero hindi porket kami may-ari eh magiging irresponsable ako at magpapalate lagi.

Isa akong Fashion Designer and ang company namin ang isa sa mga sikat pagdating sa fashion trends.
Bukod doon ay wedding organizer din ako.

Isa akong workaholic ika nga nila. Lagi nga akong tinutukso dahil hanggang ngayon ay wala akong boyfriend. Hindi naman ako pangit actually pila-pila ang manliligaw ko pero ewan ko ba at wala akong nagustuhan ni isa sa kanila.

Okay enough na dahil malalate na ako sa trabaho ko.

Kinuha ko na yung towel then ginawa ko na yung morning rituals ko at syempre naligo at nagbihis ng formal attire.

Nakaharap ako sa salamin ngayon habang naglalagay ng light make-up dahil ito na ang nakagawian ko. And for more info about me, isa rin akong model just so you know hehe.

Pero kung inaakala nyong maarte ako at suplada nagkakamali kayo dahil halos lahat ng empleyado ko ay parang barkada ko lang ituring.

Okay enough na po at ako ay magdadrive na.

Kinuha ko na yung car keys then lumabas na ako ng garahe namin.

Malayo layo yung company namin dito madadaan pa ako sa EDSA. Kagaya ng mga normal na tao ay nakakaranas din ako ng traffic dahil hindi naman ako VIP. Pwede naman ako magstay malapit sa company namin dahil may condo ako sa katapat na building pero mas gusto kong sa bahay namin ako umuuwi.

Bago ako dumeretso at magpakabulok sa traffic ay dumaan muna ako sa Mcdo Drive Thru para bumili ng breakfast ko. Sa sasakyan na ako kakain dahil panigurado matagal nanaman ang usad ng traffic. Bumili lang ako ng dalawang coffee, dalawang large fries tapos dalawang chicken burger na spicy.

kung iniisip nyong matakaw ako.. hindi po masyado dahil yung iba kong binili ay para sa secretary ko na bestfriend ko dahil panigurado hindi nanaman nagbreakfast yun, alam nyo kung bakit? dahil kung workaholic ako di hamak na tripleng mas workaholic yung isang yun.

Pagkatapos kong magbayad ay nagdrive na ulit ako.

At heto na nga ako sa edsa. Gaya nga ng hinala ko, sobrang traffic nanaman. Monday kasi kaya ganito.

Pinatay ko muna yung makina ng kotse ko dahil matagal bago umusad ang mga sasakyan. Kinuha ko yung coffee atsaka uminom sunod kong kinuha yung chicken burger at kinain.

Ang bagal talaga umusad. Malapit ko na maubos yung kinakain ko wala pa rin.

Habang kumakain ako ay napatingin ako sa katabing kotse ko.

A Short Sad Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon