Luke Point Of View
Unang araw na nang pasukan kasalukuyang nasa third year highschool na ako pero parang gusto ko munang lumiban dahil nasa bakasyon pa ang aking isip at wala pa akong ganang pumasok
"Luke!!"Sigaw ng nanay ko upang gisingin ako sa pagkakahimbing
"Saglit,ma" naiinis kong tugon nang nagising ako sa pagkakahimbing ko
"Di muna ako papasok ngayon,ma inaantok pa ako" humihikab hikab na sinabi ko
"Unang araw ng pasok ngayon, di ka pwedeng lumiban sa klase mo ngayon" agad namang tumugon si mama na mukhang nagagalit na
Agad akong kumilos bago pa ako masermonan ni mama sigurado na isang oras ang tatagalin kung sakaling masesermonan nya ako ngayon pero buti nalang agad na ako kumilos
--
--Papunta na ako sa school nang nakita ko ang mga kaibigan ko last year agad ko silang nilapitan at di ako makapaniwala na di nila ako kilala sa bagay may bago na kasi silang kaibigan kaya di na nila ako nakilala, lahat naman nakakalimot diba
Agad akong lumayo sa kanila na parang walang nangyari at di na nagpa alala pa na ako yung kaibigan nila last year baka kasi di na nila natatandaan kaya wag nalang at nagmamadali narin ako
--
Papunta na ako sa aking Classroom nang nay nakabanggaan ako na babae,nalatulala ako nang makita ang kanyang mukha napakacute nya,dali dali ko namang tinulungan sya na pulutin ang mga nahulog na gamit nya,di ko na sya natanong kung ano ang pangalan nya dahil parang nagmamadali narin sya pero natatandaan ko naman ang mukha nya
--
Nasa harap na ako nang pinto ng classroom namin nang nakita ko nang may teacher na sa loob iyon ata ang aming adviser,pumasok ako sa classroom
"G-goodmorning ma'am, G-goodmorning Classmates S-sorry I'm Late C-can I Come In"nauutal kong sambit dahil narin sa late ako at kung papasok naman ako ng tuloy tuloy ay parang pambabastos narin yon
--
Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ko,nagtaka ako bakit sila nagtatawanan,dipa ba ako late?,O nakakatawa talaga ang itsura ko
--
"Mr."
"Seat now" sabi ng adviser namin sakin--
Agad akong umupo sa bakanteng upuan sa likod,dahil yun lang ang bakante at may isang silya pa sa tabi nito na bakante rin, mukhang may isa pang papasok sa classroom dahil sakto lang ang upuan di rin pwedeng maging kulang ang upuan dahil bilang na ito,
--
Iniisip ko parin ang mukha ng babaeng yon,di maalis sa isipan ko ang napakacute na babaeng yon.
--
Napatingin ako sa babaeng papasok sa classroom namin
"Shit,sya" bulong ko sa sarili ko at hinanda ko ang silya sa tabi ko,dahil alam kong dito na sya uupo at wala nang bakante pa
"Ms"
"Please sit on vacant chair in the back" sabi ng adviser namin nang makita ang babae sa pinto--
Papunta ito sa bakanteng silya nang nagkatinginan kami iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya
"Sana makilala nya ako" bulong ko sa sarili nang maupo na sya sa tabi ko
--
The Girl point of view
--
"Sya ba yung kaninang nakabangga sakin at tinulungan ako"bulong ko sa sarili ko na inaalala ang mukha nya,di ko narin natanong kung anong pangalan nya dahil nagmamadali na ako dahil naiwan ko ang wallet ko sa kotse
"Ang gwapo pala sya kapag sa malapitan tiningnan"bulong ko ulit sa sarili ko nang naalala ko na sya ang tumulong sakin kanina
--
Luke point of view
--
Di ako mapakali sa inuupuan ko,dahil gusto ko syang makilala pero parang masungit sya na tahimik at may sinusulat pa baka maistorbo ko lang sya
Nakita ko ang bilis at ang ganda nya magsulat pang calligraphy talaga ang sulat nya bagay talaga sa pagiging cute nya pero mukhang masungit sya
--
Natapos sya sa pagsusulat nya nang bigla nya akong kausapin
"Hi you're?" Sambit nya sakin na parang nakikipagkilala
"Im yours" sagot ko naman sa kanya na ikinatawa nya
Ang cute nya tumawa namumula ang pisngi"Hshshshs, Ang corny mo!" Sagot sya sakin,Hinampas ba naman ako sa balikat ko eh di pa nga kami magkakilala,
"Oo na btw, Im Luke Vyra" seryoso ko nang sagot matapos nya ako hampasin sa balikat
"And You're?" Tanong ko sa kanya na seryoso
"Im yours" sagot nya din na tumatawa pa
"Corny mo din pala eh" sagot ko sa kanya at tumawa narin ako
"Eto na Im Elyza Brit" sagot na nya sakin
" Ahmm,thank you nga pala kanina ah" sambit nya
"Ahh,wala yun ako pa nga ang may kasalanan kung bakit kita nabangga eh" sagot ko at nginitian ko sya
Di naman pala masungit si Elyza kala ko pa naman masungit to,mukhang magiging mag kaibigan kami ah
Kinakalabit ako ng katabi ko na hindi ko pa kilala
"Men,si ma'am tinitingnan kayo"pabulong nyang sinabi sakin
Tiningnan ko ang adviser namin na nakatingin nga talaga baka narinig kami ni Elyza na nagtatawanan agad akong tumahimik at baka paghiwalayin kami g dalawa sinabi ko na rin kay Elyza na manahimik muna,
--
Nakinig muna kami sa adviser
Nanahimik kaming muna dalawa----
--------
------------
END OF CHAPTER 1Weyt lang kayo sa chapter 2
BINABASA MO ANG
Label
Romanceisang storya kung saan magulo, isang lovestory na magulo, dito nyo matutunghayan kung paano magmahal ang unang beses na minahal