Nabigla kami nung tumawag ang tita ko samin dahil ang lolo ko daw ay inatake sa puso agad na umuwi ang mama ko nuon.. Naging ok naman ulit ang lolo ko pero paralisado na siya.. Sinabi sa amin na gusto daw niya kaming makita kaya umuwi kami nun kasama ko ang papa ko at ang kapatid ko.. Pagbaba namin ng trysicle nagkakagulo sila dahil kay tatay.. Pinatawag nila agad yung ambulance.. Iyak ako ng iyak nun dahil sabi ng nanay ko at ng ibang tao parang inantay niya lang kaming dumating.. Isinugod agad siya sa ospital at sumunod naman kami.. Naiwan ang tita ko sa bahay namin kasi yung anak niya maliit pa nun.. Ung tita ko may third eye siya.. Pagdating namin sa bahay..
"wala na talaga si tatay"- tita (kausap si mama..
"bakit? -mama
"nakita ko siya sa kwarto nakabarong siya" -tita
Akala ko nun hindi totoo pero ilang oras lang pumanaw na siya..
