Anong nangyayari?
Kunot-noong pagtataka ko dahil halos lahat estudyante sa corridor ay dali-daling nagsisitakbuhan pababa ng school building. Ang iba ay nagtataka rin tulad ko kung ano ang nangyayari.
Nasa third floor ako ng HRM Building at papunta sana sa next subject ko nang may ganitong eksena nangyayari.
"Si Vice Marcelo nakikipagsuntukan sa vice-captain ng basketball team na si Zed." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko at hinihila ang mga kasamahan nito paalis.
"Talaga? Saan?"
"Sa gym!"
What? Bakit nakikipagsuntukan si Alvin ko sa jerk na iyon!?
Dali-dali rin akong sumunod sa mga estudyanteng tumatakbo papuntang gym kahit malapit na ang oras ng susunod kong klase.
"Fuck you, Santillan! Pati girlfriend ko isinama mo sa koleksyon mo!?"
"What?" he scoffed. "She came to me first, Marcelo. Begging her ass out to be my girlfriend so I said yes! That was just for a day!"
Napasimangot ako sa kaangasan nito. Ang yabang talaga! Sumiksik ako sa kumpol ng mga estudyante kahit ang iba sa kanila mabaho ang kili-kili. Basta involve si Alvin ko hindi ko pwede to mapalampas
"You bastard!" sigaw ni Alvin at sinugod iyong huli.
Nakaiwas ito sa suntok ni Alvin kaya hindi ito nataman at mabilis na sinuntok ito pabalik. At dahil sa lakas niyon ay nahimatay si Alvin. Napasinghap ako sa nangyari.
Lahat ng mga nakakita sa eksena ay sabay-sabay ding napasinghap dahil sa nangyari. Ang mga nandoon sa pangyayari wala man lang umawat ni isa.
What the hell!?
No! Alvin, my loves!
Susugod na sana ako nang magkagulo uli ang mga estudyante.
"Anong nangyayari dito!?"