Sabi nila, okay lang naman daw ang ma-in love... Ma-in love kung right time na. Pero paano iyon... Hindi madaling pigilin ang true feelings mo sa isang tao. Hindi madaling itago lalo na kung feeling mo sasabog ka! Ang totoo, naaasar ako kapag may nagkukuwento sa akin na brokenhearted sila. Kasalanan mo naman yan eh! ang lagi kong sinasabi.
Pero isang araw, nagbago ang lahat! Ako na ang nasa sitwasyon nila. Ngayon, naiintindihan ko na...
4:00 A.M.
Isang normal na araw. Nag-alarmed ang alarm clock at bumangon na ako agad. Ayoko ng nagmamadali. Suwerte na lang ako dahil luto na ang food pagkagising ko. Punta sa banyo para maghugas ng mukha at upo sa chair para kumain na. Nag-toothbrush at naligo. Nagbihis ng uniform...
Handa na ang lahat ng gamit ko kaya naman nagpaalam na ako sa aking Mama sabay takbo papuntang sakayan ng dyip. Nag-antay-antay ako hanggang sa may masakyan na ako papuntang school.
"Hay, gusto kong magbasa ng libro pero nakakahilo..." bulong ko sa sarili ko kaya naman niyakap ko na lang yung bag ko at ipinikit yung mga mata ko. Nang binanggit na yung school ko, pumara na ako sabay lakad papasok.
Si Kuya Anton, ang school guard namin na napakasipag, kahit na close kami, tiningnan niya pa rin yung I.D. ko.
"I.D.?" tanong niya sa akin pero nakangiti.
"Eto po Kuya!" sabi ko naman. "Parang 'di tayo close..."
"Sorry, kailangan lang talaga, Chrissa!" sagot niya sa akin.
Oo nga... Hindi pa ako nakakapagpakilala.
I'm Chrissa A. Cayetano, 16 years old, also known as The Warrior of 4-Topaz. Oo, fourth year high school na ako kaya naman ga-graduate na ako next year! Well, magpi-premed ako sa chosen school ko. Gusto kong maging doctor kaya naman tiyaga-tiyaga rin pag may time :)
Wala akong record ng pagka-late sa school dahil isa ako sa Supreme Student Government officer, Peace Officer. That's why I offer peace to all of you! Yes, I'm a cheerful person pero serious pagdating ng examinations week. Grrr. Yun ang cold scenario ng aming campus. Hindi kami magkakakilala pagdating sa tests, which is good, at least ilalabas namin ang abilities namin.
Lagi akong highest sa Science... Biology, Physics, Chemistry... kaya naman Doctor ang gusto ko, Cardiologist ba...
"Good morning!" bati ko sa mga classmates ko pagpasok sa classroom. Nagre-reply naman sila :)
Umupo ako agad sa seat ko at nagpahinga sandali. Huminga ako ng malalim at kinuha na yung Arts book ko. Sinimulan kong basahin yung Chapter 7 hanggang sa dumating na yung iba akong classmates. Nagsimula na ngang magkaingay lahat. Maya-maya, dumating na rin yung teacher namin. May kasama siyang student, hindi ko alam kung from other section siya or transferee.
"Good morning class!" bati ni Mr. Rodrigo sa amin.
"Good morning, Mr. Rodrigo!" sabay-sabay naman naming banggit.
Pinaupo na niya kaming lahat at pinatahimik kami.
"May bago kayong classmate..." sabi niya sa amin at napatingin naman ako sa bagong student na mukhang inosente at matalino. Lalaki siya at medyo mahaba ang buhok, yung tipong buhok ni Shin'ichi Kudou. Formal ang dating niya sa amin kaya naman medyo nagkakatinginan kami ng mga classmates ko. "Mr. Domingo, please introduce yourself."