INVISIBLE
“Oy. Matutunaw na si Charlie sa titig mo oh.hahaha” sabi ko sabay apir sa iba naming kabarkada
“Oo na. Haay. Hanggang kalian ko kaya siya tititigan sa malayo?”
“Eh bro ang torpe mo kasi eh. Lakasan mo nga yang loob mo. Para kang hindi lalake eh” sabi ni Gian
“Madali lang naman yan eh.” Sabi ni Jake
“Ikaw din baka ka maunahan ng iba jan” pagbabanta ni Troy
Tumayo si Joshan
“Grabe naman kayo. Masyadong nega. Basta hahanap na lang ako ng tiyempo para masabi ko na sa kanya.oh ano?”
“Bahala ka na nga jan buhay mo yan eh….”sabi ng buong barkada
“Grr. Asar nman kayo mga bro. wala man lang kayong moral support. Tignan niyo nga yang Sandra.. napagkakamalan nang lalaki—ARAY! Ano ba Sandra! Aray!”
“Isa pang Sandra at bubugbugin na kita… Iniiba mo nanaman yung usapan eh”
Piningot ko kasi siya
Pakialam ba kasi niya kung gusto kong maging tibo. Haay.
“Oo na po Master Alex” napahawak siya tenga niya. “Ansakit mo talagang pumingot bro”
“Yan ang napala mo. May pa-Sandra Sandra ka pa kasing nalalaman ,, upakan kita jan eh” tapos itinaas ko yung sleeves ko na parang nang hahamon
Hinarangan ako ni Jake
“ops..ops.. awat na. baka mamaya ma-fall kayo nyan sa isa’t isa eh. hahahahahahahaha” nagtawanan lahat except kaming dalawa
“Anong ma-fall ang pinagsasasabi niyo jan. para sabihin ko sa inyo kahit maging babae man ako, kahit siya na lang ang lalaki sa mundo …. Hinding hindi ako maiinlove jan noh. ”
“Wehhh?! Di nga?” singit ni Troy
“Paalala lang po mga bro, bestfriends kami niyan.. kababata ko since birth. Friends lang kami.. nothing more nothing less.”sabi ko
“Yeah! Agree ako jan kay bro.” sabay akbay sa kin ni Joshan
KRIIIIIIIIIIING!!!
“Oh nag bell na. tara na nga” sabi ni Gian
Yan ang barkada naming astig. Walang iwanan.
Ako nga pala si Alexandra Hernandez. Alex ang tawag nila sa akin dahil ayaw nilang masipa ko sila. Masyado ba akong brutal? Well that’s how I roll. Oh and I live by my rules. May pagka spoiled ako pero minsan lang. Di rin ako masyadong close sa family ko. Busy kasi sila sa business. Tapos only child pa. Kaya nga lagi akong nag iisa sa bahay eh. Lagi din akong tumatambay sa tambayan namin ng barkada.
Si Gian Mendoza naman ang badboy ng barkada. Pero pagdating samin. sunud sunuran yan. hahahaha. Si Troy Hernandez naman ang cousin ko at ang babaero sa kanilang apat. Di tumatagal ng one week ang gf niyan ehh. Sinubukan na naming kausapin pero wala pa rin eh. Di pa rin natututo kahit ilang sampal na ang natanggap niya galing sa mga ex nya. Si Jake dela Cruz ang tripper ng barkada. Anlakas mantrip nyan promise. Nag “iloveyou” ba naman sa akin nung grade six ayun nasipa ko siya. Hahaha
Last but not the least si Joshan Lee. Sh*t ano ba naman yang pangalan niya. Parang pambabae. San ba niya napulot yang Joshan na name niya. Anyways, siya ang bestfriend ko since the day that we were born. Sabay kaming ipinanganak. Magkapit-bahay kami. Same school since elem. Same course din ang kukunin namin sa college. oh diba? san ka pa? Silent type siya sa harapan ng maraming tao. Matalino at seryoso. pero pagdating sa amin ayun. ang ingay ingay. lalong lalo na sa akin. Pero torpe yan. since Grade 6 kasi crush na crush nya si Charlie dela Cruz. Siya ang pinakasikat pinakamayaman at pinakamatalino sa buong campus. She is the most ideal girl sa mata ng lahat ng lalaki. Pero sa lahat ng manliligaw niya ni isa wala siyang inentertain. Kaya ayun natatakot si Joshan na mareject.