Simula

5 1 0
                                    

No one


"Dito!"

"Pasa!"

"Bilisan mo!!"

Ang saya tignan ng mga batang nag-lalaro. Ang saya sa mukha nila habang nakikipaglaro sa kanikanilang kaibigan.

KAIBIGAN. Salitang dapat mong pahalagahan. Hindi importante kung marami kang kaibigan o iilan lang. Ang mahalaga ay may tunay kang kaibigan, yung taong handang makinig at samahan ka sa lahat.

Hindi mahalaga kung wala kang tawaging tropa o barkada ang mahalaga ay yung may isang taong handa kang pakinggan at intindihin sa lahat ng topak mo. Yung kaya kang sakyan sa kabaliwan mo.

Sabi nga nila matuto kang makuntento kung anong meron ka. Wag na puro ka demand. Mas maganda na yung merong isa na handa kang alalayan kesa sa wala.

"Ay! Bakla!!"sigaw ko nang may naramdaman akong braso na pumulupot sa bewang ko patungo sa tiyan ko. Nag-sitayuan ang balahibo ko at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Shocks! Anong gagawin ko?

"Hahahahaha!"tawa nya nang makita nya ang reaksyon ng mukha ko. "Don't worry, bestfriend. I'm not a rapist or something.."natatawang aniya.

"Damn! You scared the hell out of me."reklamo ko.

Grabe ang kabog ng dibdib ko sa ginawa nya. Akala ko ay may masama ng loob ang nag-babalak na hablutin na lang ako dito sa park.

"I really scared you, I think. You look so nervous."natatawang sabi nya.

"You think?"sarkastikong sabi ko.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap sa inyo eh,"

Napasinghap ako at umayos ng upo. Muli kong binaling ang tingin ko sa mga batang nag-lalaro.

"Nakaka-miss maging bata noh?"tanong ko kay Ronalyn.

"Gusto mo maging bata ulit?"tanong nya sakin. "Pwede naman. Kaso mahal ang mag-pagawa ng time machine. Baka maubos ang ipon mo."natatawang sabi nya.

"Sira!"naiiling na sagot ko sa kanya.

Kung sana nga talaga na may time machine. Ako na ang unang papasok dun para maibalik lang ang dati.

Ang dami kong gustong balikan. Gusto kong balikan ang mga panahong kasama pa namin si Papa at kompleto pa ang pamilya namin. Yung mga masasayang araw namin.

Ang sarap balikan ng kabataan lalo na kung marami kang alaalang magaganda.

"Alam mo hindi mo naman kailangan na bumalik sa dati eh,"basag ni Ronalyn sa katahimikan. "Pwede ka naman gumawa ng bagong alaala mo yung mas masaya. Hindi mo rin kailangan na bumalik sa pagkabata. Pwede ka namang maging isip bata kung gusto mo."

"Ang daling sabihin."bulong ko habang nakatingin parin sa mga batang nag-lalaro habang binabantayn ng kanikanilang mga magulang. "Ang daling sabihin."ulit ko atsaka tumayo na sa pag-kakaupo.

"Oh? San ka pupunta?"nagtatakang tanong nya.

"Hahanap ng time machine. Sama ka?"biro ko sa kanya.

"Baliw ka!"

Tinalikuran ko na sya at nag-lakad na pabalik sa bahay. Ramdam ko na nasa likod ko si Robalyn at nakasunod sa akin.

Ang sarap sa feeling na may isa kang kaibigan na laging nasa likod mo para suportahan ka sa lahat ng desisyon mo.

I'm very lucky because I have her. I have Ronalyn Francisco. My bestfriend, my enemy. Napakaswerte ko, wala man akong tawaging tropa o barkada meron naman  akong isang bestfriend na laging nasa likod ko handang umalalay.

"Jack, libre kaba mamaya?"tanong ni Ronalyn sa likod ko.

Tumigil ako sa pag-lalakad at humarap sa kanya. "Bakit?"takang tanong ko.

"Ahm?"parang nag-aalinlangan pa syang sabihin sakin. "Someone invited me.. Sa isang party. Samahan mo ko? May ipapakilala din ako sayo...pleassssee?"pinulupot nya ang braso nya sa mga braso ko. Alam ko yang style na yan.

"Okay. What time?"tanong ko. Sa ganyang style nya alam ko na na wala na akong pag-pipilian. Pag-pinilit nya kasi dapat yun na ang masusunod.

"Susundui-"

"No. Sabihin mo na lang sa akin kung saan at anong oras?"putol ko sa sasabihin nya.

"Okay. I'll text you the location."hindi na sya nakipagtalo pa.

Nag-patuloy kami sa pag-lalakad habang nag-kukwentuhan about sa party na dadaluhan namin mamaya. Hindi ko bet ang mga party na katulad nito. Mas gusto ko pa matulog sa bahay kesa makipag-plastikan sa ibang tao.

Totoo naman eh, may kanya kanyang ugali ang mga tao. At isa lang ang nalaman kong pag-kakapare-pareha nila. Ang bait nila pag-kaharap ka pero pag-talikod mo kanya kanya na silang hawak ng patalim para saksakin ka.

May nga tao kasi na insecure sa mga bagay na dapat ay hindi naman.

"I'm so thankful, because I have a bestfriend like you. Very much thankful."napatigil ako sa pag-lalakad sa sinabi nya. Nginitian ko sya ng pag-katamis-tamis.

"Me too. Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan. Ikaw lang sapat na."natatawang sabi ko.

"Ahh.. So cheesy."madramang sagot nya sakin. "But kidding aside. Promise me one thing Jackie."seryosong sabi nya.

"Ano yun?"tanong ko.

She holds my hand. "Promise me na walang kahit sino o kahit na ano ang sisira satin. Promise me. No one can ruin us. No one."seryosong aniya.

Mas hinigpitan ko pa ang pag-hawak sa kamay nya at matamis na ngumiti sa kanya.

"I promise that no one can ruin us. Walang kahit sino o kahit ano ang titibag sa pag-kakaibigan natin. Were bestfriends."

Walang sino man ang sisira samin. Hindi lang bestfriend si Ronalyn sakin kundi para ko narin syang kapatid. At walang karapatan ang iba na gibain ang binuo naming pag-kakaibigan. Walang kahit sino. Kahit lalaki pa yan. No one.

My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon