Ngawit mula sa aking likod hanggang binti ang aking nararamdaman, gaspang ng lubid nan aka gapos sa aking braso't mga paa sa isang upuang yari sa dos por dos na kahoy, lasa ng katas ng panyo na nakapiring sa aking mga mata, kung nasaan man ako ngayon alam kong, ako'y nasa panganib, at kailangan kong gumawa ng paraan upang, makaligtas.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yabag ng mga paa, at pagbukas ng bakal na pinto di kalayuan sa aking harapan.
Gising na ba yan?
Opo, boss gising na to.
Nang nanrinig ko na may tao ay dali-dali akong nagtanong, dahil sa takot na aking nadarama, mangiyak-ngiyak na akong nagtanong sa kanila.
Nasan ako?
Sino kayo?
Ba't nyo ginagawa sa akin to?
Asan ang kuya ko?
Kalma bata, di ka naming sasaktan, basta sagutin mo lang mga tanong namin.
Nakapiring man ako, damang-dama ko parin ang lamig ng baril sa pisngi ng aking muka, alam ko na ito na siguro ang katapusan ko, at pinagpapa sa Diyos ko na lamang ang lahat ng maaring mangyari sa akin.
Nasaan ang Kuya mo?
Hindi ko po alam sir, wala po akong alam kung nasan siya.
Hindi mo alam? Pwes ngayon malalaman mo na.
At isang malakas suntok sa aking tagiliran ang aking naramdaman, ito ang unang beses kong nakaramdam ng ganito, halos masuka ako at mamilipit sa sobrang sakit ngunit wala akong magawas dahil sa mga gapos sa aking katawan.
Ugh! Tama na po, hindi ko po talaga alam kung nasaan si Kuya.
Hindi mo talaga alam ha!
Ako'y sinuntok nanaman at pilit pinapa amin kung nasan si Kuya, kahit wala akong ideya kung nasan siya. Ilang suntok din ang aking natamo, ng bigla bumukas ulit ang pinto at biglang natahimik ang lahat ng ilang segundo.
Tama na ʼyan kailangan pa natin sya para mahanap ang gamot.
Opo, sorry boss muntik ko nang makalimutan.
Hindi na ako makapag salita sa bugbog na sinapit ko, buntong hininga ko na lamanag ang nananaig sa paligid, ramdam kong papalapit ang lalaki sa akin, dama ko na isa itong desenteng tao dahil sa amoy ng kanyang mamahaling pabango.
Wag ka mag alala Danilo Dalisay, di ka naman naming papatayin basta-basta, ibigay mo lang sa amin ang gamot na nasa kuya mo, sa tingin mo saan nya kaya tinago iyon? Bibigyan kita ng kalahating araw bukas upang hanapin iyon, at kung hind! Mabubura ang lahi nyo lalo na't kapag nakita ko ang Kuya mo.
Sige na bigyan nyo pagkain at bihisan nyo yan, bantayan nyo yang mabuti dahil kayo ang papatayin ko, kapag nakatakas yan.
Opo, boss masusunod.
Wala na akong naisagot sa mga sinabi ng taongiyon, ngunit alam ko na may panahon na ako para makapag-isip kung paanomakakatakas bukas sa mga taong ito, at kung paano hahanapin si Kuya, laking pasasalamat ko sa Diyos dahil di nilaako pinatay agad.
YOU ARE READING
DANILO"Knowledge Without Ending"
Science FictionAbout the Author Ang pangalang Magnus Urion ay mula sa salitang "Magnus" na ibig sabihin ay "Great" at "Urion" naman ay "Magic" , 21 na taong gulang na si Magnus at kasalukuyang estudyante sa isa sa mga sikat na unibersidad sa Pilipinas, mula siya s...