Sino nga ba ako?
Im Alice Jane Reed, 18 yrs old.
Ang bida sa sarili kong kwento. Haha
Sabi nila, nasa akin na daw ang lahat, pero hindi naman talaga.
Dahil hindi naman kami mayaman pero nag aaral ako sa isang sikat na university sa bansa.
Wala akong talent. Ewan ko ba. Marunong naman ako maggitara pero basic chords lang naman ang alam ko.
I can be mean sometimes. Haha. Ang akala kasi nila ay sa lahat ng oras ay mabait ako.
Teenager din ako noh! Moody.
Na minsan, kapag hindi trip kausapin yung tao, hindi ako iimik.
Normal na tao lang ako.
Hindi ako yug tipo ng pinagkakaguluhan sa school or sikat.
Hindi din naman ako nerd
At lalong hindi din perfect ang buhay ko dahil separated ang parents ko.
Teka nga. Tama na sa pagdadrama.
Inintroduce ko lang naman kung ano at sino ako. Hahaha.
2nd year college student na ako at ngayon ay nagpprepare na ako sa pagpasok.
Nitong mga nakaraang araw ay nalalate na ako.
Nakakatamad naman kasi pumasok kung wala din naman prof. Sayang pa ang pamasahe at pagod sa byahe. 2hrs din kaya ang layo ng bahay ko sa university.
Maybe magleleggings na lang ako at yellow shirt. Ito ang favorite ko suotin. Napakacomfortable nya kasi plus yung shirt lang paplantsahin ko diba? Haha.
"Ate, akala ko ba 7am pasok mo? Mag6 na oh. Malalate ka na" --daddy
Ayan na ang daddy ko, nangangatok na. Haha. Kabisado kasi nila schedule ko eh. Kaya ayan. Minsan sila pa gumigising sa akin kapag nakalimutan ko mag alarm.
"Opo! Matatapos na po ako. Wala din naman kasi papasok na prof for sure eh. Kaya medyo nakakatamad pa. Tsaka hihintayin ko pa magtext si yna dad."
Si yna naman, isa sya sa mga kaibigan ko sa school. Madalas din late yun. Lalo na kapag maaga ang pasok. Nakakatamad kasi bumangon ng napakaaga eh.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto
Nakita ko na naghanda na pala si daddy ng breakfast.
Usually kasi ay hindi na ako nakakain sa umaga. Laging gatas na lang.
Syempre, hindi mawawala ang kapatid ko na lagi ko kaaway, si Sandra.
"Ate, sayo na lang itong itlog. Ayoko na. Busog na ako" --sandra
"Ayoko na. Ubusin mo na yan. Konti na lang eh! Tsaka malelate na ako oh."
"Dali na!" --sandra
"Ayoko na nga sabi eh!"
"Oh! Ang aga aga nagsisimula na naman kayong dalawa. Tigilan niyo na nga yan" --daddy
Ayan. Nasaway na naman tuloy kami. Parang ewan kasi tong si sandra eh. Ang konti na lang nung itlog, hindi pa inubos.
Anyway, "daddy, alis na po ako" sabay kiss sa cheeks niya.
Haaaaayyy. Papasok na naman ako. Minsan talaga tinatamad ako eh. May time naman na excited ako pumasok kaya napapaaga masyado sa school.
Dumaan muna ako ng bakery para bumili ng cookies. Nagdecide ako na maglakad na lang papuntang highway. Dun kasi yung sakayan ng jeep papuntang school ko.
DU LIEST GERADE
PAST or PRESENT? This is my story.
Jugendliteraturkwento ng isang babaeng hindi maintindihan kung ano ba dapat ang kailangan unahin.