GIMME YOUR LOVE (One-shot)
'Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang panis na laway kasi hindi ko kayang paglaruan. Hahaha! xD'
Korni 'to promise kaya kung ayaw mo ng mga gantong klase ng kwento, wag mo na basahin. Magsisisi ka lang. Sinulat ko 'to kasi gusto ko lang, walang halong pag-iimbot. Hane? XD HAHAHA!
Shet. Magsasayang ka lang ng minuto ng buhay mo~~ LOL!
Pakinggan niyo 'Gimme' ng Got7 habang binabasa ito. XDThanks @howfishylifeis sa cover
ENJOY READING!
Third person POV
Last semester na ngayong taon at graduating na si Justine at ngayon ang araw ng kanyang interview sa company na gustong gusto niya. On-the-Job-Training sa mga hindi nakakaalam. Sa ngayon ay may sapat pa siyang panahon para mag-ayos ng papers na kailangan pang ipasa sa kanilang OJT coordinator.
"Grabe last semester na at ga-graduate na din tayo sa wakas" sambit ng kaibigan ni Justine na si Ynnah
"Oo nga no? Parang kelan lang entrance exam tapos 1st year pa tayo tapos 4th year na! At last semester na. Nakakaiyak naman" kunwaring nalulungkot na sagot ni Coleen, isa pang kaibigan ni Justine
"Hay nako mabuti pa pumara na tayo ng FX, nagdadrama pa kayo diyan" sita naman ni Justine sa dalawang kaibigan na nagdadrama
Kasalukuyan nasa abangan ng FX ang tatlong magkakaibigan para magpasa ng resume si Coleen at Ynnah samantalang si Justine ay para sa kanyang interview. Siya lang ang tinawagan sa kanilang tatlo dahil hindi naman nagpasa si Ynnah at Coleen sa kumpanyang gustong gusto ni Justine. Hahaha
"Teka Justine, hindi pala ako makakasabay sa'yo ngayon susunduin kasi ako ni Bernard-" sabi ni Coleen pero hindi pa siya nakakatapos ay sumabat na si Ynnah
"Oo nga teh! Ako din, hindi makakasabay sayo kasi alam mo na si Kaizer dun niya ko sa company nila pinag-aapply pero kung gusto mo pwede ka naman sumama samin or kay Coleen?" sabat naman ni Ynnah
"Ahh ganon ba? Hmmm, sige ako na lang mag-isa" sagot naman ni Justine
"Wag ka na magtampo Jussssssss!" sigaw ni Ynnah
"Pwede ka naman sumabay samin ni Bernard kasi madadaanan naman naming yung company na pag-iinterviewhan mo para libre pamasahe ka na din" sambit ni Coleen
"Hahaha! Mga baliw kayo, okay lang mga teh. Ako na lang mag-isa pupunta tutal alam ko naman na papunta eh saka ayoko makaabala sa inyong mga lovebirds!!!" asar ni Justine sa dalawang kaibigan sabay belat XP
"Jussss naman ehhhh, nakokonsensya tuloy kami, bakit kasi di mo pa sagutin si Luigi para naman may makasama ka na din" sagot ni Ynnah sa kaibigan
"Leche yan na naman kayo, ayoko pa mag-boyfriend. Kainis kayo alam niyo naman yon eh" sagot ni Justine sabay irap sa dalawang naka-peace sign na kaibigan
"Wooo! Ayaw ba talaga? o hindi mo lang talaga type si Luigi? Hahaha!" asar naman ni Coleen
"Nako ewan ko sainyo, ayan na pala sundo mo Coleen oh si Bernard mong mahal!" sambit ni Justine with matching kumpas pa sa direksyon kung saan tumigil ang sasakyan ni Bernard
"Haha, loko ka! Sige una na ko mga chaka! Ingat kayo! Love you!" paalam ni Coleen at sabay beso sa mga kaibigan at tuluyan na siyang pumasok sa kotse ni Bernard