This is my first story. I hope you like it. ☺
Read
Vote
Comment
Enjoy! ☺
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nico's POV
Hi I'm Nicolas "Nico" Mendoza, 14 years of existence, an aspiring doctor to be, a badminton player at the University of the Holy Rosary, and a certified torpe.
Ang pagiging TORPE ay parang isang sakit na maaaring gamutin kung tataasan mo ang iyong self confidence. Pero ang mga torpe ay sadyang mahiyain, tanga at iba pa.
Kapag nakikita nila ang mga crush nila ay hindi sila mapakali, nauutal, sisigaw o tatawa para mapansin lang sila, at ang mas malala ay nawawala sila sa sarili o kaya naman ay hinihimatay sila xD.
Pero ibahin ninyo ako. Ako yung tipong torpe na nakakahalubilo o nakakausap at nahahawakan ang taong mahal ko.
Ang problema nga lang sa akin ay kung paano ako magtatapat ng nararamdaman ko sa kanya. Natatakot kasi ako na kapag nagtapat ako sa kanya ay lalayo na siya sa akin okaya naman ay masisira na ang pagkakaibigan namin.
(Flashback 1st day of school)
It's already 9:20 in the morning at breaktime na namin. Nandito kami ngyon sa cafeteria at nakaupo malapit sa puwesto ng mga crushes ng mga kabarkada ko.
Papakilala ko muna ang mga barkada ko. Si Mike ang hearthrob ng grupo pero torpe din xD, si Renz ang bestfriend ko, si Andrei ang lapitin ng chix na d masyadong mahilig sa mga babae, si Dayle yung BF ni Elle, at si Jonathan ung chickboy na loko-loko na palaging lutang .
"Pare ganda tlaga ni Nicole no?" sabi ni Mike.
"Mas maganda si Elle, Mike panis yang Nicole mo." singit ni Dayle.
"Lul pinaka maganda si Jasmine." sabi nman ni Renz.
"Hey!!! Tumigil nga kayo!!! Wala kayong mapapala kung hindi niyo sila lalapitan at kakausapin!" Galit na sabi ni Andrei habang kumakain ng dumplings.
Nang biglang dumaan ang isang diwata este babae na napaka ganda at umupo sa table ng mga crushes ng mga kada ko.
"Nico, ganda nung chix oh." sabi ni Jonathan.
"Oo nga noh..." sabi ko sakanya.
Nagtataka ako kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan ako ng malamig, saka namumula ako nang makit ko ang babaeng 'yon.
"Ui Nico!" sabi ni Renz sabay suntok sa braso ko.
"Oh bakit?" sabi ko sabay suntok ko din sakanya.
"Bakit ka namumula ha? Wag mong sabihin na may gusto ka dun sa babaeng umupo sa tabi nila Jasmine?" tanong nya na parang curious.
"Ewan ko nga eh" sagot ko sakanya sabay inom ng Nestea.
Tingingingingingingining!!!
Nagulat ako ng biglang tumunog ang bell at biglang natakpan ng maraming tao ang mukha ng babaeng iyon. Pumunta nakami ng classroom at ang laking gulat ko nang makita ko ang babaeng nakita ko sa cafeteria kanina ay classmate ko pala.
"Class, meet your new classmate. Ms. Manansala please introduce yourself." sabi sa amin ni Ma'am Celine
"Hi guys I am Mae Manansala, 14." pagpapakilala ng babaeng nkita ko sa cafeteria.
Mae pala pangalan niya.
Renz's POV
Hi I'm Lorenz Layug, 14, bestfriend ni Nico and a certified torpe also.
Lakas ng tama ni Nico kay Mae kung makatitig wagas
Ahh basta mas maganda yung yung katabi ni Mae si Jasmine. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito sa kanya ung para bang lumilipad ka sa sibrang saya kapag nakikita mk siya saka kumakabog na malakas ung dibdib mo.
Mapagtripan nga muna si Nico
"Hoy Mr. Loverboy!!!"
"Ay Mae I love You! Ano kaba Renz baka maatake ako sa puso sa ginagawa mkng yan."
"Anong Mae I love you ka dyan? Hahaha"
"Aii "
"HAHAHAHAHAHA"
Mae I love you daw? Hahahaha ibang klase talaga to cge bye muna.
Dayle's POV
Hi I'm Dayle Alfonso BF ni Elle Sarmiento. Andito kami ngayon ni Mylabs sa cafeteria sa tapat ng Starbucks addict na kasi sa green tea cream 'tong babaeng to hahahaha. Habang nakikipag kulitan ako kay Mylabs nakita ko sina Renz at Nico na nakatigtig sa mga babaeng pinapagpantasyahan nila. Bat di kaya nila ako gayahin?
Napagisipan ko na...
"Babe."
"Oh bakit Babe?"
"Pedeng favor?"
"Sure. Ano ba gusto mo?"
"Puwede ka bang makipag close dun sa mga magpinsan tapos ilakad mo ung dalawa sa kanila?"
"Sige, nakakawa ung dalawa. hahahaha"
Yeah you heard it. Magpinsan sina Jasmine at Mae. Maya nalang kakain muna kami ni Bae.
Mae's POV
Hi I'm Mae Manansala pinsan ni Jasmine Diaz, magkapatid ang mama ko saka papa niya. Andito kami ngayon sa cafeteria kinausap ako ng isang strange guy from somewhere.
"Hi Mae :)"
"Hello :)"
"Ako nga pala si Nicolas Mendoza classmate mo, Just call me Nico for short." *abot kamay tapos shakehands*
Nico pala pangalan niya.
"So Nico, kumain kanaba?"
"Oo kakatapos lang :)"
"Ahh"
"Sige balik nako sa lugar ko. Baka hinahanap nako ni Renz."
"Sige bye."
"Bye."
May pagkatorpe siya huh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 1 done :)
@bibidibabiku inedit kona para sayo :3
BINABASA MO ANG
Must Love the Torpe
Teen FictionIstorya ito ng isang lalaki na kumawala sa kanyang "TORPE side" upang makasama nya ang kanyang pinaka mamahal