Weird

28 1 0
                                    

" Hoy panget! gumising ka nga" Sabi ni kuya kris 

Pagkadilat ko  ng mga mata ko nasa kotse pala kami...

Oo nga pala papasok kami. Hayyyyyyyyy! Bitin tulog ko kagabi.

Kuya, Hindi nalang ako papasok inaantok pa ako eh kulang pa yung tulog ko baka mamaya sa school tulog ako sa klase. 

ANO?? gusto mong kaladkarin pa kita diyan? Galit na sabi ni kuya.

Ang sungit niya talaga ang hard niya sakin pero minsan sweet din yan si kuya.

Ayshhh! Eto na Eto na Boss, Hindi naman po ako papalag sayo eh.. kaya dapat Easy ka lang kasi ako Easy lang eh. Gayahin mo ako.....

"Buti Naman, Pwede ba wag kang tamad dyan!!!

Bumaba na daw grades mo 3rd year kana next year graduating kana gusto ko nasa Honors Students ka" sabi ni kuya. 

Concern talaga si kuya sakin. Mahal niya talaga ang sweet ni kuya na to-touch tuloy ako buti pa siya alam na bumababa grades ko pero ako walang alam enjoy lang ako sa buhay ko eh feeling ko tuloy  iiyak na ako HAHAHAHA joke lang.

"Bakit Naka-ngiti kapa diyan? Masaya kapa na bumaba grades mo ha? Walang nakakatuwa dun. Hindi ka naman dati ganyan Kristy......

Hay Nakoooo talaga!! Kuya Hindi Porket nakangiti masaya na kagad! Kaya nga nauso yung fake smile diba? Hindi kaba aware doon?  Taong gubat kaba? hahahaha

Kaya bumaba grades ko kasi May training kami parati Next 4 months may Game kami at napaka daming kalaban dun syempre Regional meet muna tapos NCR Dalawang malalaking event yun at ang gusto namin ang manalo. Lagi kaming Ine-excuse sa klase kaya hindi ko alam yung mga lessons at hindi lang naman ako yun madami kami syempre mas kailangan ako sa volleyball team kasi CAPTAIN BALL ako.

Na gets mo ba ako kuya? bukod dun nilalaban pa kami sa iba't ibang school Friendly game kung tawagin.

"Bakit ikaw lang ba may training at laging ine-excuse sa klase ikaw lang ba may laro parati? Ako din naman sa Basketball pero kaya kong pagsabayin yung Basketball atsaka ang pag-aaral ko kung hindi mo kaya edi itigi mo na yan Paglalaro mo ng Volleyball" Sabi ni kuya kris. 

Nanlaki yung mata ko! WHAT?? are you telling me to stop playing? while you're doing anything that you want pero ako hindi pwede? Nasan ang hustisya dun kuya? sagot ko sakanya.

Naiinis na ako ah? lagi nalang nya ako pinapangaralan. alam kong kuya ko siya at dapat ko siyang sundin kaso pati yung pinaka gusto kong gawin aalisin nya sakin? what the?! basta kahit anong mangyari hindi ko susundin yung gusto nya na itigil ko ang paglalaro ko ng volleyball.

Magalit na siya sakin, Isumpa niya na ako Itakwil niya pa bilang kapatid. Who Cares??? Basta MAGLALARO parin ako ng Volleyball tapos period.

Hindi na nga ako nagbo-boyfiend kasi ayaw niya eh sinunod ko yun tapos pati paglalaro ko pakikielamanan niya? galing ah. 

"Sige I'll give you one chance dapat mag-ayos ka klase mo. Bumawi ka sa lahat ng subject  para tumaas ulit yung mga grades mo at kapag hindi mo nagawa yun ititigil mo ang paglalaro.... Understand? Ibalik mo yung dating ikaw kristy" 

Hayy grabe naman!! Hindi nalang ako nagsalita kasi naiinis na talaga ako eh! baka mamaya mag-away pa kami ni kuya at hindi ko siya kaya lalong lalo na kapag galit siya baka mamaya maging Halimaw pa siya eh sobrang takot ako kay kuya kapag galit siya kahit gaano pa ako kainis sakanya hindi ko parin magawa na awayin siya ayoko na nag-aaway kami ni kuya ..... Buti nalang Malapit nadin naman kami sa school.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon