Paturo ulit (One shot)

1.7K 61 8
                                    

"Kuya ren!" sigaw ko at lumingon ka saakin.

Shit na malupit! Bakit ang gwapo mo? May salamin, matangkad, maputi, athletic aba lahat ata nasayo na. Tipong malapit ka na talagang maging perfect. Kung di mo lang ako madalas sungitan okay na sana eh. Perpektong perpekto na kaso hindi eh. Crush kaya kita o baka nga mahal pa eh? Ewan ko putspa bakit ba ang landi landi ko lalo na pagdating sayo. Eh hindi mo nga ako napapansin eh.

"Oh?" tinaasan mo pa ako ng kilay. Siguro kung ibang lalaki ang gagawa noon hindi bagay, magmumukha silang bading pero ikaw? Shet ang sexy! Yummy! De loko lang tama na nga.

"Uhmm eh papaturo sana ulit ako sa math ma-"

"Ayoko. May gagawin pa ako." at tumalikod ka na. Wow ah di mo man lang ako pinatapos. Hinarangan ko ang dinadaanan mo kaso masyado ata akong mabilis kaya muntikan pa kitang mahalikan.

Ano ba yan rain bakit ba napakacareless mo! Pero sayang ha!

Umatras ako sa pagkabigla at napatingin sa mata mo na mukhang nagulat din sa aksidenteng pagkalapit natin.

"S-sorry. Ano uhmm bakit bawal? Kailangan ko kasi--"

"Basta bawal."

Sungit mo talaga! Pero di ako susuko kukulitin kita hanggang sa pumayag ka.

"Kuya ren please please kailangan ko ng tulong mo." pagmamakaawa ko

"Rain I already said no. Why can't you understand?" sabi mo nang hindi nakatingin saakin

"Pero kailangan k--"

"Rain hindi porket tinulungan na kita last time sa pagaaral mo eh kailangan tulungan padin kita ngayon." Tinignan mo ako sa mata at syempre natunaw naman ako

"You can do it on your own and besides tinulungan kita last time because your brother is my bestfriend. Your brother wants me to tutor you so I have no choice." lumipat nanaman ang tingin mo sa iba

"Your brother wants me to tutor you so I have no choice"

"Your brother wants me to tutor you so I have no choice"

"Your brother wants me to tutor you so I have no choice"

Napayuko ako dahil sa sinabi mo. No choice ka lang pala kaya mo ako tinulungan. Akala ko kahit papaano may pagasa na ako sayo pero damnshet haha wala pala. In the first place bakit ako aasa eh alam ko namang umpisa palang wala na? Kasi alam kong nakababatang kapatid lang ang turing mo sakin. Ang cliché naman.

"O-okay. I'm sorry kuya pinilit pa kitang turuan ako." sinubukan kong wag umiyak at buti nakaya ko. Baka malaman mo pang mahal kita haha nakakahiya.

Naglakad nalang ako pabalik ng library at susubukan kong magaral ng walang tulong mo. Sana makaya ko at mawala sa isip ko yung sinabi mo kanina. Na napipilitan ka lang na makasama ako.

Bago ako makarating sa pintuan ay narinig kitang nagmura.

"Shit naman!"

Nagulat nalang ako nang napasandal ako sa pader at halikan mo. Napapikit nalang ako.

Unang pumasok sa isip ko ay "BAKIT?" Pero hindi kita tinanong hinayaan lang kitang halikan ako. Hanggang sa may tumawag sa iyo sa malayo. Si kuya pala. Shit! Hindi ko na alam kung nakita niyang hinalikan mo ako o hindi pero sa palagay ko naman hindi.

Hindi ka pa sana titigil kung hindi lang kita tinulak ng malakas.

"F*ck! Ugh! Ano ba tong ginawa ko?" Sabi mo habang gingugulo ang buhok mo at pabalik-balik ng tingin saakin.

Paturo ulit (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon