NAGISING si Kent ng naramdaman ang pag galaw ng kamay ng kapatid. Agad niya itong hinawakan.
"Kaycee, gising kana wag ka pipikit .
Doc! Nurse !" pagtawag ni Kent para ipaalam na nagising na ang kapatid niyaAgad din naman niyang narinig ang pagpasok ng mga ito at mabilis na chineck ang kalagayan ng kapatid niya.
"Doc ok lang ba kapatid ko?"
Pag aalala niyang tanong .Sumenyas ang doctor sa isang nurse, bago may ilahad na white folder dito.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, after namin gawin ang lahat ng test we found out that your sister is under Chronic myelogenous leukemia. This is why she looks pale, weak and get a lot of nosebleeds. She needs to undergo with Chemotherapy, we need to be more careful before it turns into Acute Leukemia . This isn't staged like cancers pero kailangan parin matutukan bago pa lumala sometimes, patients typically survive for only four to six months even with aggressive Chemotherapy"
Pagpapaliwanag ng doctor habang tinitingnan niya ang kapatid.
LEUKEMIA. LEUKEMIA .
bakit kailangan ikaw pa ang magmana nun kay mama. Bakit Kaycee .Namatay din ang ina nila nung mga bata pa sila dahil sa sakit na leukemia. Kaya naubos ang ipon nila, lalo na ng mamatay ang ina nila. Halos di na umuuwi ang ama nila sa paglalasing at pagsusugal. Pagkalipas ng isang taon ay ito naman ang binawian ng buhay.
Pero pinilit niyang makapagtapos kahit sa high school lang, para mapag aral niya ang kapatid.San siya kukuha ng perang pampagamot, hindi na niya kakayanin kung pati si Kaycee ay mawala sakanya.
Hindi na niya pinansin pa ang doctor at lumapit nalang sa kapatid niya ."K-kuya anong sabi ng doctor? Uuwi na daw ba ako? uuwi na tayo?"
ani ng kapatid"Itatanong ko pa kay Doc Princess pero kailangan mo muna magpahinga para lumakas ka. Pupunta pa tayo sa Zoo diba gusto mo pumunta dun? Kaya magpalakas ka na ha?" hinalikan niya ito sa noo
"Matulog kana ulit, may aasikasuhin lang si kuya . Babalik din ako agad ok?"tumango naman ito sakanya at pinilit ngumiti .
"Gusto ko ng chicken kuya ha?" Kaycee chuckled and hug him tight . Napapikit nalang siya dahil sa nararamdaman niya ang mainit na likidong gumigilid sa mata niya. Niyakap niya rin ito pabalik.
"Sige pagbalik ko bibilhan kita ng maraming chicken. Kaya dapat pagbalik ko strong kana ok?" Ginulo niya ang buhok nito
"kuya yung buhok ko naman eh" And she pouted
"Sige na hintayin kitang matulog bago ako umalis" kinumutan niya ito ng maayos at hinaplos ang buhok.
Ilang minuto lang ay payapa na ang paghinga nito kaya napagpasyahan na niyang umalis.Kailangan niya magpatulong sa mga kaibigan para makahanap ng mas magandang trabaho. Kaso pano niya to macocontact wala naman siyang cellphone.
Pumara siya ng Jeep, pupunta siya sa Bar malamang ay nandun nanaman ang mga ito.
Nang makababa ay ilang lakad ay narating na niya iyon. Marami ng tao, rinig narin niya ang malakas na tugtug mula sa loob. Kaya pumasok na siya.
Tumigil siya sandali para hanapin ang mga kaibigan at di nga siya nagkamali nandun nanaman ang mga ito sa lagi nilang pwesto."HOY KENT!"
"Hey" swabeng sagot niya pabalik.
"Pinuntahan kita sa bahay niyo walang tao. San kananaman galing na kupal ka ha?" sabi ng kaibigan niyang si Vince
"Naghanap ng trabaho"
Vince groaned"Wala naman bago dun" matawa tawang sambit ng isa pa niyang kaibigan na si Troy
"Yeah andito rin ako para magpatulong maghanap ng trabaho" seryoso niyang lahad
nagkatinginan ang apat na lalaking matalik niyang kaibigan.
"Woah, why so serious man" tinapik ni Eric ang balikat niya "Ofcourse tutulong kami. Pero syempre kailangan mo muna mag enjoy ngayong gabi. Refreshment bro, you look like shit"
napangiti nalang siya sa sagot nito
Palagi nalang nila sinasabi ang refreshment pero tinatanggihan niya . Siguro ngayon ay hindi naman masama yun, pagkatapos nito ay hindi nanaman siya makakapagpahinga."okay"
Tila nagulat pa ang mga kaibigan at nagsitawanan ng makabawi .Nang biglang may lumapit sakanilang mga babae .
"Hell yeah" Gigil na sabi ng babaerong si Eric . Napailing nalang siya
"Sorry miss, hands off" ayaw niya maging rude pero hindi ito ang panahon para sa babae. Lalo na't alam nito na pera ang kailangan ng mga iyon.
Umalis sa pagkakakandong ang babae at nagmartsa paalis .
Ininom nalang niya ang beer na nasa round table.May biglang tumikhim na babae sa gilid ng tenga niya dahilan para kilabutan siya. Nilingon naman niya ito at ilang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila.
"So what now?" malambing na tono ng babae. Hindi yun masakit sa tenga, parang nahihipnotismo siya sa mga mata nitong malalim ang titig sakanya pati ang matangos nitong ilong . At ang pulang pulang labi, na ikinalunok niya.
"Can we, dance?" Ngumiti pa ito sakanya .
Mabilis niyang nilapag ang beer na iniinom .Hinawakan niya ito sa waist and lead his way sa dance floor na ngayon ay nandun narin ang mga kaibigan niya at halos wild na ang mga sayaw .
Kumapit ang babae sa mga balikat niya at umindak ng nakangiti habang nakatitig lang sa mga mata niya . Wala narin siyang nagawa kundi hawakan ito sa bewang nito . At sumabay sa beat ng tugtug.
Tumalikod ang babae sakanya at dumikit ang likod nito sa dibdib niya.Mulit itong gumiling, maging ang perpektong pwetan nito ay kumikiskis sa jeans niya. Naglikot narin ang mga kamay niya at humaplos sa waist nito papunta sa tiyan nitong nakikita dahil sa croptop na suot.
Ilang minuto ang tinagal ng pagsasayaw nila ng tumigil ang babae at humarap sakanya.
"Hi, I'm Sena" she smiled at him
"Kent"
"So, Kent" The girl brushed her lips to his tip of nose na ikinapikit niya. Masarap ang sensasyong yun na ngayon lang niya naramdaman .
Napadaing siya ng hinalikan na nito ang mga labi niya . Nalasahan nito ang alak na nainom ng babae ng ipasok niya ang dila sa nakaawang nitong mga labi.They kissed, na parang walang maraming tao. Masarap sa pakiramdam ang mabagal nitong halik pabalik. Hinapit niya ang waist nito , at yumakap ang mga braso ng babae sa leeg niya.
Tumigil siya sandali ng biglang may nagsigawan na mga babae sa gilid lang ng table nila. Tumingin din siya sa babaeng kahalikan niya na ngayon ay nakangiti na rin.