Lumipas ang oras,
Ikaw ay naging mailap
Sinubukang suyuin
Hindi man lamang
Pinaglaanan ng pansin
Ako’y nagtaka at napatanong,
“Teka, Anong nangyari sa atin?”
Lumipas ang mga araw at ang buwan
Nanlamig nang walang dahilan
Sinara ang pinto patungo sa iyong isipan
Tila ba ikaw ay nagpapahiwatig ng pamamaalam
Hindi ko inakalang darating sa ganito
Sa isang iglap biglang nawala,
Tuluyang naglaho nang parang bula
Masakit isipin
Mahirap tanggapin
Aaminin ko ako’y nagkulang rin.
Ngunit bakit ka lumisan?
Nang hindi man lamang nagpapaalam.
Naiwan akong tumatangis
Umasang ikaw ay babalik upang pawiin
Ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi
Dumating ang araw na
Nagising na lamang ako sa kamalayang
Ikaw at ako ay hindi iisa
Hindi tatagal katulad ng inaakala ng iba
Sapagkat ako ay tao
At ikaw ay makina
BINABASA MO ANG
Paglisan: Isang Tula
PoetryIsang hindi inaasahang pamamaalam na nagdulot ng kalungkutang inakalang hindi malulunasan kailanman.