"Patience is a virtue.""Hoy Jen deretso uwi na ha." paalala ni Luna ng makalabas kami sa gate.
"Wag ka ng tatambay sa waiting shed" dagdag ni Ashtrid.
"Wag ka ng maghintay," napabaling ako kay Naia, "Tatlong taon na ang nakakalipas di pa rin sya bumabalik." mapait ang ngiting pumorma sa aking mga labi.
Habang nananatili akong nakangiti ay kumaway na ako sa kanila bago tumalikod at naglakad papuntang paradahan ng jeep.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga sa muling pagkaalala sa taong iniwan ako tatlong taon na ang nakakaraan.
Ako ang huling pasaherong hinihintay ng jeep para makaalis na. Habang bumabyahe pinagmasdan ko ang mga pasahero at pinanuod ang kapaligiran kagaya ng ginagawa ni Ashtrid, hindi naman to masaya ih.
Pumikit ako at nang muli akong magmulat ng mata ay nasa tapat na pala kami ng barangay namin. Agad akong bumaba at kagaya nung nakalipas na mga taon ay tatambay muna ako sa waiting shed.
Oo na, maghihintay na naman ako, pero hindi na sa dating tao kundi sa bagong tao na. Hindi na kay Aries kundi kay Gin na.
I met Gin two years ago. Nasa kalagitnaan ako nun ng paghihintay kay Aries. May dala syang tray na may lamang mga sigarilyo at kendi na itinitinda nya sa mga dumadaan sa waiting shed at mga driver. Malamang nung una di kami nagpapansinan, hindi namin kinikibo ang isa't isa, pagtitinda ang inaatupag nya at paghihintay naman ang pinagkakaabalahan ko. Isang buwan kaming ganon hanggang sa...
2 years ago...
"Hoy bat ka ba lagi nandito?" tanong nya.
Pinagtaasan ko sya ng kilay, may pagkabastos kasi ang pagkaka-approach nya sakin.
"Maka 'Hoy' close ba tayo?" pagtataray ko na tinawanan nya lang.
"Mataray ka pala? All this time kasi akala ko isa kang kawawang nilalang na laging tumatambay dito sa waiting shed." natatawa nyang sabi.
"Am I look kawawa to you? Itong mukhang to?" tumango sya bilang sagot and so I rolled my eyes.
"Alam mo, don't mind me na lang ha kasi nung ikaw dumating dito di kita pinake-alaman, invader!" imbyerna sya ha.
"Teritoryo mo ba'to? Pasensya ha wala kasi akong nakita na pangalan mo." inaasar ba ako nito? watdapak ha!
"Basta dedmahin mo na lang ako, kung naba-bother ka sa presence ko edi umalis ka tutal ikaw naman ang dayo." apaka maldita ko na ha.
"Ang cute mo mainis." natatawa nyang sabi but I just rolled my eyes.
"Bat ka ba kasi nandito? Sino ba hinihintay mo?" ang mga nakataas kong kilay ay unti-unting bumaba.
"Si Aries, dito nya daw ako babalikan eh." nangilid ang luha ko ng maalalang isang taon na pero hindi pa rin sya bumabalik.
Hindi naman nagtanong si Gin pero nagkwento pa rin ako. Kaylangan ko ng mapapaglabasan ng istorya ng paghihintay ko. Kaylangan ko ng makikinig sa mga rant ko at sasagot sa mga tanong ko na aware naman akong mahirap sagutin.

YOU ARE READING
Encounter (One Shot) 3: Waiting Shed
Short StoryWaiting Shed: intayan ng mga taong naghihintay ng masasakyan paalis pero ako, nasa waiting shed dahil may taong hinihintay bumalik.