8. El Apasionado Amore

41 4 0
                                    


El Apasionado Amore
By: Itsyogurl_allie 
Status: On-going

Description of the Story:HINDI magkatuto si Albert sa nangyaring pagsampal sa kanya ng dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Description of the Story:
HINDI magkatuto si Albert sa nangyaring pagsampal sa kanya ng dalaga. Kitang-kita niya ang galit nito sa magandang nitong mukha.

"Pamela, anong ibig sabihin niyon?"
Mula sa likod ni Pamela, nakatayo roon ang kaibigan nitong si Anton. Matiim at tahimik na nakamasid sa kinaroroonan nila,subalit hindi sa kanya maitatago ang pailalim na ngiti ng tagumpay.

Kung nakakamatay lamang ang mausig na tingin ni Pamela, marahil ay naglaho na siya sa mundong ibabaw.

Malayong-malayo ang nakikita niyang katauhan sa minamahal niyang babae sa mula sa maamo at maningning nitong mukha ay tila ningas ng apoy ang mga mata ni Pamela ngayon.

"Pamela, ano ba'ng nayayari sayo?"

"Tinatanong mo kung anong nangyayari, taksil ka Albert! Isa kang huwad!" Pinagsusuntok siya nito sa dibdib. At wala ng mas sasakit pa kundi makita itong umiiyak sa harap niya na siya ang dahilan. At hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa kanya?

"Pamela, ano ang ibig mong sabihin?"
Pinigilan niya ang nga braso ng dalaga at tinitigan nito sa mga mata.

"Ayoko na Albert, Napaniwala mo ako sa nga mabubulaklak mong mga salita. Isinama mo pa ako sa mga koleksyon mo".

"Hindi kita maintindihan, Pamela?". Nagbabadya ang kaba sa dibdib ni Albert. Bakit sinasapian ng masamang espiritu si Pamela. Ibang-iba ito sa babaeng minahal niya at sinamba...

At bakit ba ito nagagalit? Gayong sa ito naman ay hindi dumating sa kanilang tagpuan, sa ilalim nang puno ng mangga. Naghintay siya ng matagal. Buong gabi siyang naghintay sa paghihintay ng pagdating nito. At kinabukasan ay bumalik siya ulit ng gabi.

Ito na nga ang hindi sa kanya nakipagkita at nakipag-usap ng ilang araw. Ito pa ang may ganang magalit?

"Ano ang hindi mo maintindihan, Tama na ang pag-iilusyon mo Albert, Kitang-kita na mismo ng dalawang mata ko na nakikipagmabutihan ka sa isang kagaya mo ring pesante." Nagulat si Albert sa isinawalat ng kasintahan. Sa loob-loob ni Albert ay mali si Pamela sa pag-uusig nito sa kanya. Hindi niya magagawang ipagpalit ito

sa sa iba dahil ito lamang ang bukod tanging nagpatibok at minahal niya ng tunay nang higit pa sa buhay niya.

"Mi amor -

"Wag mo kong tawagin sa ganyang cariño mo Albert. Tinatapos ko na ang lahat-lahat kung ano ang meron mang ugnayan sa atin." Nagtatagis ang mga ngipin nito sa galit. "At baka nakakalimutan mo Albert you're just a peasant!, isang hamak na obrero lamang!. At ako ang Señorita Pamela Leyla ninyong lahat!"

Pinipilit ni Albert na hagilapin ang isip at unawain kung ano at saan ba siya nagkamali. Akala niya ay ito lamang tumanggap sa kanya at hindi ininsulto ang trabaho at moralidad niya bilang isang tao ngunit ito pa mismo ang kauna-unahang nanlait at ininsulto ang pagkatao niya. Lumabas rin ang tunay na kulay ni Pamela. Isa rin itong matapobre at mapanglait 'gaya ng sa estado nito.

Trabahador. Tanggap niya na talaga na iyon ang kalagayan niya sa lipunan. At hindi siya nagmahal ng isang prinsesa upang makaalwan at guminhawa sa buhay. At alam ni Pamela iyon!.

Subalit hinusgahan siya nitong isang huwad at manloloko? Niloko saan? Saan sirkumtansiya niya ito niloko? At hindi siya kailanma'y naging huwad at niloko ito. Hindi niya magagawa sa pinakamamahal niyang babae.

Masakit na masakit ang mga inaakto ni Pamela sa kanya. Hindi niya alam kong siya ang magpapaliwanag o siya ang hihingi ng kapatawaran. Hindi niya alam ang sagot dahil alam niya sa sarili na wala siya ginagawang masama na ikakaloko niya sa kasintahan.

"Ayaw na kitang makita, Lumayas ka sa lupain ko! Lumayas ka na kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa mga tauhan ko!"

Lumuha si Albert pagkatapos sabihin iyon at talikuran siya ni Pamela na parang walang pakialam na sumakay sa sasakyan kasama Si Anton De Valle.

Messages to your readers:
Hi, to my readers (hehe kung meron man) salamat sa oras na ibinigay ninyong oras sa pagbabasa ng aking kwento. Nawa'y pagpalain kayo. MUCHAS GRACIAS!❤

Read now El Apasionado Amore 😊

Kaléa's: Promoted StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon