Hi guys, ako nga pala si Nathan, 17, isang Kpop fan, isang ring roleplayer. Roleplayer? Di mo alam? Roleplayer, yung nag-rorole ka habang nag-plaplay? De biro lang, yung parang pinoportrait mo yung isang idol, basta yun na yun, kulet mo rin no? Ayun na nga, isa rin akong college student mula sa unibersidad ng mga mayayaman, De La Salle University - Manila, kinuha 'ko ang AB Communications bilang aking kurso, 1st year college, matangkad, maputi, kamukha ni Byun Baekhyun, at half-Korean.
Nung umaga nang February 5, nag-online ako sa aking roleplayer account [Btw, ni-roroleplay 'ko nun si Luhan ng EXO-M], at tumambad sa akin ang napakadaming notification.
"Shit, nakakatamad basahin 'to, puro like at comment lang naman," sabi 'ko sa sarili.
'Di 'ko na lang pinansin iyon sabay punta sa PKRP [Pinoy Kpop Roleplayer], nag-post lang ako ng "Hi. Good morning guys!", sabay log-out kasi may pasok pa ako nun ng maaga.
Pagdating sa skul, biglang sinungaban ako ng aking bespren na si Angelo, magkaibigan na kami simula pa nung highschool, mestiso, laking Amerika, medyo hawig kay Enrique Gil, at magka-blockmates din kami ngayon.
"Oi tol," sabay bigay ng noogie sa akin.
"G*go! Ayos banat ah," sabi 'ko.
"AHAHAHA! Oo nga pala tol, kami na ni Chezka, yung taga-COS, chix yun pre," sabay sambit nya.
"Ah, yung mukhang Amerikana? Oo, nakita 'ko na yun, tol congrats, 'di na mala-Pokwang yung itsura ng GF mo ngayon," sabi 'ko sabay tawa.
"G*go ka tol, hehehe..," reply nya.
Ala-dyis nun nung natapos yung kaisa-isang klase namin nung araw na yun, dumiretso ako nung uwi dahil may tatapusin akong project sa isa naming feeling major na subject, nag-online muna ako kasi wala namang pasok bukas, una 'kong binuksan yung RP account 'ko, pagkabukas 'ko, may isang notification na aking tiningnan, yung notification dun sa post 'ko kanina umaga..
"Hi, Crush," comment ng isang Jiyeon RP.
"Huh?," reply 'ko..
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Hi, Crush.
Teen FictionTitle: Hi, Crush. Author: ByunBaekhyun0 Rating: PG-13 - About. Si Nathan ay isang RP ni Luhan at si Suzy naman ay isang RP ni Jiyeon. Sa tingin niyo kaya ay magiging sila? O magiging biktima lamang sila ng walang katapusang broken relationship na na...